CHAPTER 57

2.3K 103 18
                                    

YUHENCE'S POV

Si Vien ba yon?

Nakatingin ako ng deretso sa gate at nahagip ng mata ko si Vien na may kasamang lalaki. Parang nakita ko na ang lalaking kasama niya ngunit hindi ko matandaan kung saan at kailan. Pero bakit sila magkasama?

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Apollo.

Papunta na sana kami sa room namin pero nangangamba ako para kay Vien.

"Tinatamad akong pumasok," sabi ko at mabilis ko syang iniwan.

Tinawag pa ako ni Apollo pero hindi ko na magawang lumingon. Tinakbo ko ang parking lot at nakita kong sumakay doon si Vien. Mabilis naman akong tumungo sa sasakyan ko at dali-daling sinundan ang sasakyan na kulay pula.

"Bakit ka sumama sa lalaki na yan Vien? Bakit?" Inis na sabi ko.

Hindi ko malaman kung bakit niya nagawang pagkatiwalaan ang lalaki na yan. Wala akong tiwala masyado sa lalaki na yon dahil parang may binabalak syang masama kay Vien. Parang isa siya sa mga nandukot kay Vien noon?

"Shit. No. Not again,"

Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ng kotse ko. Itinigil ko sa gilid dahil tumigil din ang sasakyan, tinignan ko ang tapat non at isang coffee and tea shop. Lumabas doon ang lalaki sa sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob.

Naiwan si Vien sa loob ng kotse?

Lumabas ulit ang lalaki at ganon na lang ang paglaki ng mata ko. Nakita ko na nga siya sa hospital noong oras na naaksidente si Vien. Paano yan nakilala ni Vien? Hindi ko alam na magkasundo pa lang ang doctor na ito. Pero anong ginagawa niya sa campus ni Esther?

Matagal bago umalis ang sasakyan kaya hinintay kong umalis iyon. Susundan ko sila kung hanggang saan sila tutungo pero kapag hindi ko na masyadong kilala ang lugar doon ko na bibilisan ang takbo ng sasakyan ko upang harangin siya.

Lumiko ang sasakyan sa isang malaking gate. P-Pakshet? Exclusive village ito ah? Bakit ganon? Hindi sila hinarang ng guard? Tumungo na ako sa gate at mabilis akong hinarang ng dalawang guard.

"Wala kang sticker sir," sabi ng guard.

"Manong kailangan kong sundan ang sasakyan na pula dahil may kasama siyang babae," turo ko sa pulang kotse at lumiko sa kanto.

"Si Sir Leander?"

"O-Oo," sagot ko pa.

"Ano po ninyo ang babae?"

Ang daming tanong kailangan ko nang masundan si Vien!

"Manliligaw. Kailangan ko siyang kunin sa Leander na iyon. Lalabas din ako agad," inis na sabi ko.

"S-Sige sir. May pakay naman pala kayo tuloy po," sabi ng isang guard at ngiti lang ang ginanti ko.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at lumiko din sa pinaglikuan ng sasakyan ni Leander. Nakita ko sa malayo ang sasakyan na nakaparada sa malaking bahay na mansion. Tumungo ako doon at mabilis na ipinarada kasunod sa pulang sasakyan.

Tinignan ko ang bahay at nakabukas ang pinto. Walang guard na nakabantay at masyadong malaki ang bahay. Tutungo na sana ako sa pintuan pero bigla na lang lumabas si Vien doon na luhaan. Napatigil siya at nanlaki ang mata dahil hindi niya inaasahan ang presensya ko ngayon dito.

"Y-Yuhence," mahinang usal ni Vien.

Mabilis akong lumapit sa kanya at sabay yakap sa kanya. Doon na lang siya humagulhol ng iyak sa balikat ko.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now