CHAPTER 61: The Final Battle

2.5K 115 13
                                    

VIVIENNE'S POV

"Bakit n'yo ba ginagawa ang bagay na ito?" Inis na tanong ko pero may luhang tumutulo sa mata ko habang nakatingin kay Lolo Solemon.

"Bakit namin ginagawa ang bagay na ito?" mahinahon na tanong ng matandang lalaki. "Because of your grandfather my daughter died!"

Alam ko na ang bagay na iyan pero kailangan kong malaman kung bakit ang lolo ko ang kailangan nilang paghigantihan? Hindi naman mamamatay tao ang lolo ko upang siya ang balikan nila. Ano ba ang kinalaman ng lolo ko kaya ganito na lang sila kung gumawa ng delubyo?

"Matagal ko ng alam yan. Ang gusto kong malaman kung bakit siya ang binabalikan ninyo?" seryosong sagot ko sabay tingin sa matandang lalaki. "Ano nga ba ang kinalaman ng lolo ko?"

"Why don't you ask your grandfather?" tanong ni Thaddeus sa akin. "Dahil siya ang mas may nakakaalam nang buong pangyayari."

"Bakit hindi pa kayo ang magsabi? Hindi n'yo ba alam ang buong pangyayari kaya gusto ninyo sa lolo ko pa talaga malalaman ang sagot?"

"Mayabang ka!" akma akong sasampalin ni Thaddeus nang pigilan siya ni Leander.

"Bro, let her know everything."

Hindi sinagot ni Thaddeus si Leander bagkus sinamaan niya lang ito ng tingin. Baka nakakahatala siya kay Leander dahil ganon na lang ang kapatid niya kung pigilan siya nito.

"Vien!" napatingin ako kay kuya Vanz nang tawagin niya ako.

Akma sana akong lalapit sa kanila nang hilahin ni Leander ang braso ko. Hindi ko malaman kung bakit pero baka hindi pa ako pwedeng lumapit sa pamilya ko.

"My daughter! P-Please don't hurt her," pagmamakaawa ng mama ko.

"Shut up! Shut the fuck up!" sigaw ni Anemoi sa mama ko. "Wala kang magagawa kung saktan ko ang anak mo! Dahil pare-pareho lang kayong nagpapakitang tao!"

"Oh you shut up!" sigaw din ng mama ko.

"What did you say?! Inuutusan mo ba akong babae ka?" lumapit si Anemoi sa mama ko sabay sampal sa mama ko.

"Ma! Hayop ka Anemoi! Wag mong sasaktan ang mama ko!" sigaw ko. Gusto kong lapitan pero hawak ako ni Leander

"Stop it! Wag mong sasaktan ang asawa ko!"

"Anemoi please stop!" sigaw din ni kuya Vanz.

"Kung sana tumigil lang ang lolo n'yo hindi aabot sa ganito!" sigaw ni Anemoi sa kanya.

"Bakit ba kasi hindi n'yo na lang ako deretsuhin?!" sigaw ko sa kanila.

Bahagyang pinisil ni Leander ang braso ko upang mapatingin ako sa kanya. Hindi ko malaman ang kanyang pinupunto pero batid kong may gusto siyang sabihin sa akin. Ngunit paano? Hindi nila pwedeng malaman na tinalikuran na sila ni Leander dahil sa akin.

"Baka pag nalaman mo ang totoo maulol ka?" nakangising sabi ni Cloud.

Nahagip ng mata ko na lumalapit ulit si Anemoi papalapit sa amin. Pero hindi ko naman inaasahan ang presensya niya na bigla niya akong sampalin nang malakas. Humapdi ang pisngi ko dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin.

"I said don't hurt my daughter!" sigaw ni papa pero hindi siya nagawang pansinin ni Anemoi.

"Hindi mo ba talaga alam?!" sigaw niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bobo ka ba?! Kaya ko nga tinatanong kasi hindi ko alam!"

"Pwes! Bakit hindi mo tanungin ang lolo mo kung ano nga ba ang totoo?!"

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon