CHAPTER 60: The Final Battle

2.6K 100 20
                                    

VIVIENNE'S POV

"Bakit hindi mo sinabi na birthday mo sa sabado?" tanong ko kay Nayih habang naglalakad kami patungo sa library.

"Ha? Birthday ko?" takang tanong niya sa akin pabalik. "Sa august 4 pa birthday ko."

Natigilan ako sa sinabi ni Nayih sa akin. Noong nakaraan taon kasi hindi man lang niya sinabi sa akin ang birthday niya. Ngayon ko lang nalaman, hindi ko din magawang tanungin dahil nga nabaril noon ang papa ko.

"Last year hindi ako nagp-party kasi masyadong plastik ang mga dumadalo," sagot pa ni Nayih at pinagpatuloy ang paglalakad. "Pero sa darating na birthday ko gusto ko tayo-tayo lang ang magc-celebrate ng birthday ko."

Ngiti lang ang naisagot ko kay Nayih. Naisip ko din ang sinabi ni Maxwell sa akin na birthday daw ni Nayih sa July 11, nagsinungaling sila sa akin. Bakit parang may itinatago silang sikreto? Aalamin ko yan.

"Nabalitaan ko baby na naghiwalay na kayo ni Esther," mahinang anas ni Nayih sa akin.

Nandito na kami sa loob ng library at nagbabasa ng libro. Tinignan ko si Nayih nang deretso dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula upang sabihin sa kanya ang totoong pangyayari.

"Niloko kasi ako ni Esther kaya ako nakipaghiwalay."

"O to the M to the G?!" sigaw ni Nayih kaya napatingin ang ibang students sa amin.

"Silent!" sigaw ng matandang babae at napahawak si Nayih sa kanyang bibig.

"Ingay mo kasi," sagot ko at niligpit ang aking mga gamit.

"Bakit?"

"Sa batibot tayo mag-usap ang daldal mo," mahinang anas ko at nag-peace sign siya.

Tumungo kami ni Nayih sa batibot at naupo sa damuhan, napapikit ako dahil sa hangin na humahaplos sa mukha ko. Napakasarap langhapin, napakasariwang hangin.

"So what happened next?" tanong ni Nayih.

Napadilat ako ng mata at tinignan si Nayih. "Nahuli ko si Esther at Anemoi na gumagawa nang milagro sa kama."

"What the F?!" napatakip si Nayih ng bibig. "For real?!"

"Oo. Doon mismo sa bahay ni Anemoi."

Para na naman akong naiiyak dahil sa ginawa ni Esther na panloloko sa akin. Naalala ko din na nagmamakaawa siya sa akin kagabi na wag akong makipaghiwalay. Pero sadyang buo na ang desisyon ko, ayoko nang masaktan nang maling tao. Pagod na akong masaktan nang paulit-ulit.

"P-Paano mo nalaman?"

"Kasama ko si Leander na tumungo doon. Nagkataon din na kapatid niya si Anemoi."

"King ina. Mas matindi pa pala siya kay Lyndel!"

Hindi ako nakasagot.

"Pinakinggan mo ba ang paliwanag ni Esther kung bakit niya ginawa iyon?" tanong pa sa akin ni Nayih at napayuko ako. "Pinakinggan mo pero hindi ka naniwala?"

"Dahil hindi ko kayang paniwalaan Nayih," sagot ko sa kanya.

"What's his reason?"

Sinabi ko kay Nayih ang pagtatalo namin ni Esther kagabi, pati ang paliwanag ni Esther sinabi ko sa kanya. Walang labis, walang kulang.

"What if it's true? Malay mo totoo ang paliwanag ni Esther pero sadyang sarado na ang puso at isip mo upang paniwalaan ang paliwanag niya," seryosong anas ni Nayih.

Ang Basagulerang Probinsyanaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें