CHAPTER 41

2.9K 125 14
                                    


VIVIENNE'S POV

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi ni Yuhence dahil bumukas na ang pinto at yung mukha ni Nayih ang nakita ko. Sa mukha palang niya ay batid ko ang inis dahil sa salubong niyang kilay. Sunod na pumasok ay si Lyndel na nakayuko.

Ano na naman ba ang ginawa mo kay Nayih, Lyndel?

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Nayih.

Bumalik si Yuhence sa pagkakaupo katabi ni Apollo.

"May masamang hangin na manloloko ang nakasalubong ko," inis na sabi niya. "Baby, kain ka na o kain tayo."

"Sabihin mo may gumulo ba sayo?"

"May gumulo ba sayo?" panggagaya ni Nayih sa akin.

"I mean sabihin mo sa akin kung may gumulo ba sayo."

"Ah, akala ko gagayahin ko ang salita mo," natatawang anas ni Nayih sabay biglang sumeryso. "May peste kasi akong napanood na nakikipaghalikan. Medyo pangit yung genre. Hinabol ni girl yung babaeng nakasaksi at wag daw sasabihin sa boyfriend niya ang king ina."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinagot ni Nayih sa akin. Batid kong may pinariringgan siya kaya tinignan ko si Lyndel. Nanlaki ang mata niya kaya tumingin siya kay Esther.

"Hayaan mo na. Wag mo nang pakialaman ang buhay ng iba."

"Okay, baby," nakangiting sabi ni Nayih.

Inabot niya sa akin yung pagkain at binigyan din si Apollo, Kaizen, at Yuhence.

"Ops. Sorry," sabi ni Nayih. "I didn't know na pupunta pala kayo dito edi sana pati kayo nabilhan ko."

"N-No. I-It's okay," nauutal na sagot ni Lyndel.

Nanliit ang mata ko dahil sa inaakto niya. Nakatingin din ang tatlo kay Lyndel. Maliban kay Esther na nakatingin din sa akin.

"Okay. Siguro busog ka naman na, right? Busog ka na sa you know," sabi ni Nayih sabay tawa.

"Baby, ihatid mo na ako," presinta ni Lyndel.

"Ang aga naman," di makapaniwalang sabi ni Kaizen.

"May pupuntahan kasi ako. At si Esther naman ay may pupuntahang dinner," sagot ni Lyndel.

"Do you want us to go?" tanong pa ni Esther.

"Yes."

"Okay," seryosong sagot ni Esther. "We need to go. Magkita na lang tayo bukas."

"Take care," sagot ni Apollo.

Tinignan ko si Yuhence na seryoso lang nakain na parang walang pakialan sa paligid.

Pagbukas ni Lyndel ng pintuan ay iyon naman ang pagpasok ni kuya Vanz sa pinto. Nagkatinginan sila ni Esther bago tumingin sa akin si kuya Vanz.

"Vien," tawag sa akin ni kuya at dali-daling lumuhod sa harap ko. "A-Are you okay? Nasaktan ka ba nila?"

"Kuya, wag ka nang mag-alala. Ayos na ako."

Tumingin siya sa kamay ko na may gasa. "Anong nangyari sa kamay mo?"

"Am, nasobrahan sa kakasapak kaya namaga at nagsugat."

Napasapo siya sa kanyang noo. "What should i tell to mom and dad kung sakaling makita nilang may gasa ang kamay mo?"

Para akong kinabahan sa sinabi ni kuya Vanz sa akin. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanila kung sakaling makita nila ang kamay ko? Pakshet.

"Sabihin mo na lang Vanz na sa kakasuntok ni veng sa punching bag kaya namaga," sabi ni Kaizen.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now