CHAPTER 52

2.4K 116 6
                                    

VIVIENNE'S POV

Nakarating na ako sa sinasabi nilang lumang bodega. Napalunok pa ako nang bahagya dahil parang abando na ang lugar na ito. Masyadong madumi at makalat ang paligid. Lumakad na ako upang pumasok na sa loob, tumitingin din ako sa paligid dahil baka may umatake na lang sa akin bigla.

"Kailangan kong mailigtas ang lolo ko," bulong na anas ko.

"Magandang hapon, Vivienne Zin Ty."

Bigla na lang ako napatingin sa likod ko dahil sa boses. Nakapuros itim na naman ang taong kaharap ko, kailan ko ba makikita ang pagmumukha nila?

"Asan ang lolo ko?" seryosong tanong ko.

"Hindi ka naman nagmamadali niyan?" natatawang anas niya.

"Masyadong mahal ang oras ko, nakadepende lang ang oras ko sa taong pinag-aaksayahan ko," sagot ko.

"Masyado ka talagang maya---" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Nakakasawa nang pakinggan na masyado akong mayabang o hambog. Oo alam ko, at na sa ugali ko na iyon. Kaya wag mo nang ipamukha dahil mas lalo akong yumayabang."

Nakakasawa nang pakinggan ang kataga na iyan. Hindi naman ako talaga ako mayabang, sadyang bobo lang sila makipag-usap.

"Hahaha. Mayabang ka magsalita."

"Ang dami mong sinasabi. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ang lolo ko!" pasinghal kong tanong.

"Kalma lang, Vivienne Zin Ty. Humihinga pa siya," ani niya.

"Tss. Paano ako kakalma kung hawak nyo ang lolo ko? Masyado kang bobo."

"Hindi ko alam kung saan nagmumula ang yabang mo," sabi niya at umabante nang hakbang papalapit sa akin. "Saan ba nagmumula yan? Para naman matutunan ko."

"Na sa ugali ko na iyon, at hindi mo kailanman matututunan kasi masyado kang bobita," nakangising sagot ko.

"Ginagago mo ba ako?!" sigaw niya sa akin.

"Hindi. Bakit pa kita gagaguhin kung gago ka na talaga?"

Akma niya akong sasampalin pero mabilis kong sinangga ang palad niya at binigyan siya nang malakas na sapak sa kanyang mukha.

"Fuck!" sigaw niya sabay atras.

"Masyado mong pinapatagal ang palabas. Ilabas mo na ang lolo ko kung ayaw mong kayo ang patayin ko."

"Sino ka ba? Isa ka lang mahinang nilalang na Ty kaya hindi ako kailanman magpapadala sa yabang at banta mo," sagot niya sabay tawa.

Sadyang bobo lang talaga umintindi ang kaharap ko. Hindi ko malaman kung maiinis ba ako o ako pa ang mang-iinis sa kanyang nang sobra.

"Wag mong nilala-lang ang isang nilalang. Dahil baka mas demonyo pa sa demonyo ang kaharap mo, at kayo ang papalit sa trono ni satanas sa oras na idala ko kayo doon," sagot ko at napatayo siya nang ayos.

"What?!"

"Wag ka kasi magbitaw nang nakakabobong salita, kung ayaw mong makarinig nang mayabang na sagot. Masyado kang tanga para makaintindi sa sinabi ko. Ilabas mo na ang lolo ko para matapos na ito."

Masyado niya akong pinaghihintay nang matagal. Gusto ko nang malaman kung may galos ba ang katawan ng Lolo Solemon ko. Gusto ko na siyang makita, at maiuwi nang ligtas sa bahay namin na walang dinadamdam na sakit.

"Sumunod ka sa akin, Vivienne Zin Ty," sagot ng lalaki at nag-paunang lumakad at pumasok sa loob na malaking gate.

Hindi ako nagdalawang isip at mabilis na akong sumunod sa kanya. Napakuyom ko ang kamao ko. Hindi mapalagay ang kaba sa dibdib ko, siguro dahil lang kay Lolo Solemon kaya ganito na lang ang kaba sa loob ko.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now