CHAPTER 46

2.8K 115 5
                                    

VIVIENNE'S POV

Nakarating na kami sa Maynila ni Esther at dumeretso sa hospital sa sinabi ni kuya Vanz sa amin. Sa pasilyo pa lang ay nakita ko na si mama at kuya Vanz kasama si Yuhence at Apollo.

"Kuya," patakbong tawag ko at nilingon nila ako. "Kamusta na si papa? Ayos na ba siya?"

"Are you okay, tita?" lapit ni Esther kay mama pero hindi siya sinagot.

"Hinihintay pa lang namin lumabas ang doctor, Vien," emosyonal niyang tugon sa akin.

Lumapit ako kay mama na kasalukuyang umiiyak.

"Mama, ayos ka lang?" ngunit hindi din niya ako tinugon. Tanging paghikbi lang ang nagawa niya.

"Binaril kasi ang sasakyan nila, lil'sis," sagot ni Apollo upang tigna ko siya. "Hindi nasundan ng mga pulis ang sasakyan dahil nakatakas daw ito."

"Binaril sila? Bakit? Sa anong dahilan?!"

Bakit ba nangyayari ang bagay na ito? Bakit kailangan nila kaming paputukan?

"We don't know, my princess. Inaalam pa lang namin."

Napailing ako. Hindi ito maaari. Hindi na dapat ito maulit.

"Pagsakay daw nila ng sasakyan doon na daw sila pinaulanan ng putok. Natamaan ang daddy mo sa tiyan at braso dahil sinangga niya ang kanyang katawan sa mommy mo. Tumagos ang bala sa kanyang likod," sagot ni Yuhence para mapasapo ako sa noo ko.

Pag na kilala ko kung sino ang puno't dulo nito, humanda sila sa akin kapag naulit ang bagay na ito. Bakit hindi nila ako kausapin nang masinsinan para mapag-usapan kung ano ang kailangan nila sa pamilya ko? Hindi ko hahayaan na papuputukan lang nila ang magulang ko nang kung sino sa anong oras nilang gusto.

"Baka yung---" hinila ko si kuya Vanz papalayo kay mama. Hindi pa dapat ito malaman ng magulang ko na may nagbabanta sa amin. "What?"

"Hindi pa dapat nila malaman ang nagbabanta sa atin, kuya. Dahil lubos silang mag-aalala sa atin."

Sumunod ang tatlo sa amin.

"What we are going to do?" tanong ni Esther sa amin.

"Kailangan ninyo nang maraming bantay, Vanz," ani ni Apollo. "Kailangan kahit saan kayo magpunta at ng family mo ay may bodyguard sila na armasado."

May punto siya. Kailangan namin nang maraming bantay upang ma-protektahan sila.

"Kailangan natin masundo ang Lolo Solemon ninyo, Vien," kaswal na sabi ni Esther. "Mahirap na, maybe your grandpa is next."

Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Esther. Kailangan nga talaga namin masundo si Lolo Solemon. Kailangan ko din siya maprotektahan laban sa naghihiganti sa amin.

"Susunduin natin siya at dadalhin natin dito sa Maynila," seryosong sagot ko at tumango siya.

"Kailangan natin itong pagplanuhan, Vanz. Hindi biro ang nangyayari sa inyo. Marahil hindi pa ito tapos, at mensahe lang siguro ang iginawad sa inyo upang maghanda kayo sa susunod ninyong pagtutuos," seryosong sabi ni Apollo.

Mensahe? Mensahe na kailangan namin maghanda. Sperm. Paano?!

"He's right. We need to plan against them," sangayon ni Esther.

"But how? Hindi pa natin sila nakikilala," kunot noo niyang tanong.

Tama si kuya Vanz. Paano namin ito magpaplanuhan nang maigi kung hindi pa namin sila nakikilala? Napakahirap nang aming gagawin.

Ang Basagulerang ProbinsyanaМесто, где живут истории. Откройте их для себя