CHAPTER 32

4.2K 151 17
                                    

VIVIENNE'S POV

Tumungo na ako sa sa susunod kong subject. Batid kong hindi mawala sa isip ko ang paghalik ni Yuhence sa noo ko. Bakit kasi kailangan dalawang tao ang magkagusto sa akin? Hindi naman dalawa ang puso ko.

Kung pwede ko lang kayong mahalin na dalawa ginawa ko na. Kaso hindi pwede. Hindi pwede na kailangan pagsabayin ko kayo kung alam ko naman sa damdamin ko kung sino ang gusto ko.

Pakshet! Hindi ko na talaga ang gagawin ko.

Gusto ako ng taong gusto ko. Pero ang taong hindi ko gusto ay gusto ako. Ayoko siyang saktan pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi siya masaktan pero tadhana na ang nagawa.

"Baby," kaway ni Nayih.

Bumuga ako ng hangin at nagmartsa na umupo sa tabi niya. Tumingin ako sa paligid at wala pa si Esther.

"Anong nangyari?" bulong ni Nayih sa akin.

Tinignan ko siya at muling bumuga ng hangin. "Nasabi ko na sa kanya, Nayih."

"O to the M to the G?"

"Na handa daw siyang ituloy ang nararamdaman niya kahit sakit pa ang maidulot ko sa damdamin niya. Handa rin niya akong kunin kay Esther sa oras na masaktan daw niya ako," sabi ko at hinampas ako ni Nayih.

"Hindi ko alam ang punto mong gaga ka," inis niyang sagot para tignan ko siya.

"H-Hindi mo alam?"

"Y to the E to the—OMG?! Si Yuhence at—" tinakpan ko ang bunganga ni Nayih.

"Kingina ka ipapahamak mo pa ako sa buong Westside. Alam mo naman malalaki ang tenga ng mga estudyante rito," madiin na bulong ko.

Nag-peace sign siya kaya tinanggal ko na ang palad ko sa bibig niya.

"Baby, for real? Si Yuhence at Esther may gusto sa 'yo?" tanong niya at tumango lang ako. "Kaya pala ganun ang tanong mo sa akin dahil dalawang lalaki pala ang may gusto sayo. And guess mag-kaibigan pa. You're lucky baby."

"Hindi swerte ang isa, Nayih," sagot ko.

"Bakit?"

Tinignan ko siya. "Kasi hindi ko gusto si Yuhence."

Nasapo niya ang kanyang bibig. "That's freaking hurt, baby. Then do something to stop him. Pigilan mo ang nararamdaman niya."

"Katulad nga ng sinabi ko kanina na hindi siya susuko kahit alam niyang sakit ang maidudulot ko."

"Wow as in wow. I salute for Yuhence."

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman sasaluduhan ang taong hindi susuko pero nasasaktan na?"

"Kaya nga saludo ako sa kanya. Baby, because he's a brave man. Parang sundalo lang. Patuloy sumusubak sa gera para maipanalo niya ang kanyang bandila," sagot niya.

Hindi ko maintindihan.

"I mean, patuloy pa rin siyang tumatapak sa bubog kahit puro sugat na ang kanyang talampakan."

"Puso at puro sugat na? Damdamin?"

"Ah-ha!" turo niya sa mukha ko. "Baby, bihira na lang sa isang lalaki ang lumalaban sa sakit para sa taong mahal niya. Kahit alam niya sa sarili niya na ang kanyang babaeng minamahal ay may ibang mahal. That was so, so, so, freaking hurt for him baby. I feel sorry for Yuhence because his pain. So much pain."

Bakit hindi ko man lang nakita sa kanyang mata ang sobrang sakit? Kundi lungkot lang ang nakita. Magaling siguro magtago ng emosyon kaya siguro ganon.

Bumuga ako ng hangin at napayuko sa lamesa. Tinusok tusok ni Nayih ang gilid ng ulo ko para tignan siya. Nakayuko pa din pero nakatagilid ang ulo papagawi sa kanya.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now