CHAPTER 33

4.4K 156 16
                                    

VIVIENNE'S POV

"Pupunta tayo sa Sagada na walang dalang damit?" di makapaniwalang tanong ko kay Esther.

Kampante lang siyang nagmamaneho habang ako naman ay sasabog na ang utak kung ano ang gagawin para malaman kung sino ang taong nasa likod nang pagbabanta sa amin ni Esther.

"Tss. Easy okay? I have ways," nakangisi niyang sagot.

Ayan na naman tayo sa may sariling daan. Sperm to. Angkinero nang daanan. Hindi naman siya ang nag-semento.

"Kung wag na lang kaya tayo magpakalayo-layo? Humingi na lang tayo nang tulong sa mga pulis."

Tumingin siya sa akin pero agad din tinuon ang mata sa daan. "Do you know what you are saying? Baby, we don't even know who's behind the threat yet. Kaya hindi natin kailangan gumawa agad nang hakbang laban sa kanila."

Sabagay may punto siya.

Napabuga ako ng hangin at tinuon ang paningin sa labas ng bintana.

"Don't worry. Kung iniisip mo na ipapahamak kita, no. I will never do that. You're safe with me," dagdag pa ni Esther.

"Hindi ko naman iniisip na ipapahamak mo ko."

"Then what?"

"Iniisip ko na kapag pakana mo ito ihanda mo yang espada nang kaligayahan mo dahil putol yan sa akin."

Iniisip ko din kasi na baka pakana niya ito. Hindi naman assumerang babae pero iyon lang ang tanging naiisip ko para mawalis sa utak ko ang mga bagay na makakapagpakaba sa dibdib ko.

"I'm not a tanga person to do this kind of stupid pagbabanta. Dahil kung gusto kitang ma-solo, sana pinausot na kita dyan ng traje de boda sabay deretso sa simbahan at pinakasalan na kita," sagot ni Esther para kabahan ako.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi magandang biro ang nilalahad niya sa akin!

Ramdam kong uminit ang pisngi ko. "T-Tumigil ka nga dyan. Hindi magandang biro."

"I'm not joking because I'm not a joker nor clown. Pfft. I'm seryoso," nakanguso niyang sabi.

"Seryoso din ako. Sasapakin kita," pagbabanta ko sabay pikit.

"Okay. I'll shut up."

Sperm to.

Tumigil muna kami sa isang boutique shop. Nag-palit kami ng damit at nagsuot ng sumbrero.

"Mukha naman tayong mga wanted ng batas dahil sa ginagawa natin," bulong ko.

"Tss. Ang dami mong say. Di ba pwedeng suotin mo na lang!" hinablot niya ang sumbrero sa akin at padarag na sinuot iyon sa akin.

Hinampas ko siya sa kanyang braso dahil sa ginawa niya. "Ayus-ayusin mo nga galaw matatamaan ka talaga sa akin."

"Ang dami mo kasing-aray!" napatalon siya sa sakit nang kurutin ko siya sa tagiliran. "Ayan kana naman. Masyado kang mapanakit!"

Rinig ko ang bungisngisan ng mga sales lady na nandito. Kaya napahawak ako sa sumbrero ko at umarte na parang inaayos.

"Tss. Mapanakit na probinsyana," bulong pa nito.

"Anong sabi mo?" kunwaring hindi ko narinig.

Tumingin siya sa akin at biglang ngumuso.

"Wala."

Para kang bibe na baog. Sperm ka!

Tinignan ko ang wrist watch ko at alas-kwarto na ng hapon.

"Gagabihin ata tayo sa Sagada. Kung tumungo muna tayo sa condo ko. Dalawang kwarto naman ang nandoon. Para mga alas-dos o alas-tres nang madaling araw ay pwede na tayong umalis," sabi ko.

Ang Basagulerang ProbinsyanaKde žijí příběhy. Začni objevovat