CHAPTER 12

5.5K 228 7
                                    

VIVIENNE'S POV

"Vien," tawag ni Esther sa akin.

"B-Bakit?" tanong ko.

"We have to go," sabi pa ni Esther.

Napabugtong hininga ako at tinignan si Tito Rastus. Pilit akong ngumiti sa kanya bago nagsalita.

"Kailangan na po naming umuwi, Tito," sabi ko pa. 

Kita ko sa mga mata niya na gusto niyang malaman ang isasagot, pero ngumiti lang siya at tumango.

"Babalik po kami bukas," dagdag ko pa.

"Aasahan ko yan, Vien. Sana may susunod pa ang pag-uusapan natin," nakangiti niyang sabi.

"Opo," ngiti ko rin.

"Just call me Tito Rastus if you want to see her. Ihahatid ko siya," pag-presinta rin ni Esther.

"Sure, Esther. Just take care of her."

"Yes, Tito. Let's go, Vien." 

Ngumiti pa ako kay Tito Rastus at hinawakan na ni Esther ang bewang ko para simulan na mag-lakad. Buti dumating si Esther dahil hindi ko alam ang isasagot ko kanina. Dahil katulad nga ng sinabi ko hindi ko pa sigurado kung sila ba ang magulang ko. 

"Asan na 'yong tatlo?" tanong ko kay Esther.

"Umuwi na sila," sagot niya habang ang kanyang mga mata ay nasa daan.

"Ganon ba?" ani ko pa at tumango siya.

"Anong sinabi niya sayo?" tanong pa niya.

"Tinanong niya kung ako ba yung nawawala niyang anak," sagot ko at tumingin sa bintana.

"Then what is your answer?" 

"Hindi ko nasagot dahil dumating ka na 'e." 

"Oh? I'm sorry."

"Ayos lang. Hindi ko naman din kasi alam ang isasagot ko sa kanya kanina kay Tito Rastus." 

Rinig ko ang pag-bugtong hininga niya kaya napatingin ako sa gawi niya. Pero ang hindi ko inaasahan na ihihinto niya ang sasakyan sa gilid.

"E-Esther bakit ka huminto?" tanong ko pero nakahawak lang siya sa manibela habang nakatingin sa daan.

Pero maya-maya ay tumingin siya sa gawi ko. Naguguluhan ko siyang tinitigan dahil hindi ko malaman kung bakit siya huminto.

"Bakit?" tanong ko.

"I-I'm sorry for what happened. Hindi mo deserve na masaktan," sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. "Does it hurt? It's pale."

Napalunok ako. Dahil hindi ako sanay sa inaakto niya ngayon. Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo niya sa akin o siguro ay may pake lang talaga siya sa nararamdaman ko. Sperm na confuse.

"Ayos lang, Esther. Hindi ko naman din masisisi si Mrs. Viena dahil naaksidente ang kanyang anak dahil sa akin," sabi ko pa at binitawan niya ang pisngi ko.

Bumugtong hininga siya ay muling tumingin sa akin. Kita ko sa mata niya ang kanyang pag-aalala.

"Gusto mo ba makitang lumubog ang araw?" hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon pero nagulat ako.

"Talaga?" nakangiting tanong ko at tumango siya. "Sige!"

Tinahak ulit namin ang daan patungo sa sinasabi niyang lugar. Isa iyong mall pero ang sabi niya ay may bato nakapatag doon. Sabi niya isa daw itong Mall Of Asia. Napakaganda dahil may mga rides na narito at may gumagalang tren na may nakasakay na tao. 

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now