CHAPTER 06

5.5K 256 26
                                    

VIVIENNE'S POV

'Yong totoo? May mga puno palang matatayog dito sa Maynila? Mala-probinsya namin. Pag-pasok pa lang sa gate may mahaba pang dadaanan na may mga punong matatayog sa gilid. May mga bulaklak rin naman akong nakikita.

Pero pag pasok sa loob grabe! Nagkalat ang mga estudyanteng nakaupo sa bermuda grass. Meron din nagtatakbuhan may naglalaro din ng badminton.

Ang ganda. May malaking fountain rin. May mga batong upuan at lamesa sa dalawang malalaking puno nandoon malapit sa fountain.

"Ang ganda," sabi ko pa at tinignan ang malaking gate na may nakalagay na Westside International School.

Nasa ibang bansa ba ako? Meron pa kasing structure na malaki sa tapat ng gate. May ganito pa palang kagandang unibersidad dito sa pilipinas? Pero bakit parang tago? Sa itsura pa lang ng nasa paligid talagang masasabing hindi basta-bastang estudyante ang nag-aaral dito.

Pag dating namin sa parking lot grabe. Ang dami. May mga motor rin na ducati. Hindi basta ordinaryong sasakyan. 'Yung talagang mahirap bilhin o million ang kailangang pera para mabili?

Nang makababa kami agad niyang hinawakan ang kamay ko. Pero ako walang pake. Nililibot ko ang mata ko sa paligid. Wala naman sigurong malisya.

"Mag dahan-dahan ka nga ng paghila," suway ko pa. Kung makahila kasi wagas? Alam ninyo 'yon? Kinakaladkad na ako hayop.

"Huwag ka ngang maarte d'yan, promdi girl. Baka hindi ko maabutan si Lyndel."

Wala akong pake sa Lyndel mo baliw! Kung hindi ninyo tatanungin nag-away pa kami sa susuotin ko. Mag-dress daw ako pero mas pinili kong magpantalon. Sino pa ba ang mananalo sa pilitan? Edi ako.

Wala bang dress code dito? Ang bad boy at ang bad girl ng mga suotan ng mga tao dito eh. Siguro wala?

"Oh my god! Nandito si King!"

Ano yon?

"Girls si Esther Vargaz a.k.a King Of Chaos is here!"

So kahit naka-bad girl na suotan mahaharot din pala? Peace. Tss. Bakit parang lahat sa kanya nagb-bow? Nagbibigay galang at umaalis sa daraanan ng sperm na baog na ito? Hayop. Sana all.

"Where's Lyndel?" tanong ni Esther sa isang babae na sobrang sexy. Ang ganda niya eh.

"Oh Lyndel? I saw her just a few minutes ago," lumingon muna siya bago ituro. "There. At the gym."

"Thanks," at muli akong hinila ni Esther.

Sa totoo lang. Kanina ko pa napapansin na ang sasama ng tingin sa akin? Titingin sa mukha ko at titingin sa kamay namin ni Esther? Sa totoo lang gusto ko ng tanggalin pero hinihigpitan pa niya lalo.

"We're here," at binitawan niya na ang kamay ko.

Sinundan ko siya ng tingin ng pumasok siya sa malaking gate ng gym na. Sinilip ko pa iyon. Bumungad sa akin ang court na may naglalaro. Nakita ko rin ang isang malaking pintuan na parang gold. Iyon siguro ang studio. Pansin kong may nilapitan si Esther na babae na may kausap na lalaki. Iyon siguro si Lyndel.

"Veng!" napalingon ako sa likod ko.

"Kaizen," nakangiting bigkas ko.

"Hello, lil'sis," bati ni Apollo. Kasama din niya si Yuhence, Ivan, Calix, Clive, Maxwell, Arron, Lucifer at Kuya Vanz.

"Hi Vien," bati ni Kuya Vanz.

"H-Hello, Kuya Vanz," nauutal na sabi ko.

"Asan si Esther?" tanong sa akin ni Yuhence.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now