CHAPTER 34

3.8K 151 13
                                    

VIVIENNE'S POV

"Baka mabigla ang lolo mo, Vien," sabi ni  Esther habang nakatingin sa daan.

Hindi ko na pala kailangan ituro sa kanya dahil kilala raw ang plantation ni Lolo Solemon sa buong Sagada.

"Hindi 'yon mabibigla kung hindi mo gugulatin," sagot ko para mapatingin siya sa akin.

"Umayos ka nga ng sagot mo."

"Bakit? Magulo ba ang sagot ko? Tama naman, ah," inosenteng sagot ko.

"J-Just fix your answer."

Nakarating na kami sa plantation at ang mga kilala ko noong trabahador ay nandito pa rin. Kaya dali-dali akong bumaba para pumasok na roon sa malaking plantation.

"Mang Subeng!" giliw na sabi ko.

"Vien? Vien!" napatigil siya sa kanyang ginagawang at ganon din ang ilan.

"Hija! Nako ang laki-laki mo na," sabi ni Manang Solidad na nagsisilbing tagapadala namin ng aming makakain.

"Kumusta po kayo?" tanong ko at isa-isa silang niyakap.

"Ayos naman kaming lahat. Ikaw ba? Balita sa amin ng iyong lolo ay nasa Maynila ka upang mag-aral. Bakit ka naparito?" tanong sa akin ni Mang Subeng.

"A-Ah, hahaha."

"Nandito po kami sa gagawin namin project," sagot ni Esther mula sa likod ko.

Nilingon ko siya pero agad din naman tumabi sa akin. Bahagya siyang nag-bow upang mag-bigay ng galang.

"Eto ba ang boyfriend mo, hija?" tanong ni Manang Solidad sa akin.

Natawa ako at umiling. "Nako, hindi po. Classmate ko lang po siya."

Natawa si Mang Subeng sa akin. "Murag dili gwapa kaayo gwapa nga batan-on. Sa imong pagtan-aw sa kini nga tawo, Vien?"

"D-Dili ko kasiligan, Mang Subeng."

"What are you talking?" bulong ni Esther sa akin.

"Ang pangit mo raw at mukha ka raw bakla na baog," bulong na sagot ko at natatawang tinignan muli sila Mang Subeng at Manang Solidad. "Nandyan po ba si Lolo Solemon?"

"Ay oo, hija. Halika at ihahatid ko kayo sa kanyang opisina," pag-aya ni Manang Solidad. "Maiiwan muna kita, Subeng. Balitaan mo rin ang ibang trabahador na narito si Vivienne."

"Makakaasa ka, Soli. Sige na at ako'y magpapahanda ng makakain."

Iginawad na sa amin ni Manang Solidad ang daan patungo sa opisina ni Lolo Solemon. Na ang akala ko ay opisina ni Sean. Hindi ko talaga alam na sa akin nakapangalan ang plantation, kung ang kinilala kong amo na si Sean na nagsisilbing tagapamuno pansamantala hanggat hindi ko pa alam ang katotohanan.

"Alam ninyo ba na isang Ty ang aking lolo, Manang Soli?"

"Oo naman. Pero humingi siya sa amin ng pabor na wag kailanman sasabihin. Sinabi niya sa amin ang lahat-lahat na nasaktan ka raw niya sa katotohanan na nalaman mo mula sa kanya," nakakapit si Manang sa braso ko at si Esther naman ay sumusunod sa amin. "Na hindi ka talaga Montevilla kundi isa kang Ty. Pero laking pasalamat niya raw ay pinatawad mo siya agad at hindi nagtanim ng sama ng loob mula sa iyong lolo."

"Hindi ko naman po kaya iyon."

"Mabuti't hindi mo nagawang magalit nang matagal kay Solemon. Sige na hanggang dito na lang ako," sabi niya na marating na namin ang opisina ni Lolo Solemon. "Hijo, ingatan mo si Vien, ah?"

Ang Basagulerang ProbinsyanaOnde histórias criam vida. Descubra agora