CHAPTER 24

4.7K 191 20
                                    

VIVIENNE'S POV

"Hahahaha!"

Nagising ako sa ingay na naririnig ko kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Doon ko lang napagtantuan na nasa kwarto ako ng bahay namin ni lolo. Bumangon ako at nasapo ko ang aking ulo dahil sumakit iyon.

"Hang over ang kingina. Wala akong maalala ano bang ginawa ko?" mahinang anas ko.

"Wag ka muna nga kumain wala pa si Veng!" rinig ko mula sa labas.

"Sabi ko nga."

"Isa pa babatukan kitang baog ka!"

"Can you please shut up your fucking mouth?"

"Stop me fucking Yuhence."

Ano bang meron sa labas at ang ingay nila?

"Ang lupit ni Vien no?"

Ano yon?

Hanggang ngayon sapo ko pa rin ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Sperm na pain. Ang sakit na nga ng damdamin ko pati ba naman ulo ko sinasaktan ako?!

"I want your love, and I want your revenge. You and me could write a bad romance! Tapos sabay birit?! Putek! Ang suwabe!"

Kumanta ako?! Punyemas saan?!

"Tawagin ninyo na si Apollo at Esther. Kanina pa sila nag-uusap sa labas. Luto na kamo ang pagkain," rinig kong utos ni Calix.

Bumangon na din ako sa pagkakaupo at pumunta na sa banyo. Naligo ako at nag-asikaso na ng sarili ko. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay agad silang natahimik sa presensya ko.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Good morning, Vien!" nakangiting sabay nilang bati.

Medyo nagtataka ako kung paano sila nagkasya dito sa sala? O baka ginamit nila ang kwarto ng lolo ko? Tss.

"Maayong buntag sa imo usab," pagbati ko din.

Batid kong hindi nila naintindinan ang aking sinabi dahil bahagyang kumunot ang kanilang noo. Bumugtong hininga ako.

"Magandang umaga rin sabi ko," pagpapaintindi ko.

"Ah akala ko minumura mo na kami," sabi ni Ivan.

Nahagip ng mata ko ang tatlong rebulto na pumasok sa pinto.

"Good morning, bad romance," bati ni Apollo.

"Baka zom-sperm?" nakangising sabi ni Esther at umiwas nang tingin sa akin.

Zom-sperm? Ano yon?

"Hahaha!" sabay tawa nang lahat.

Ano ba mga sinasabi ng mga baog na ito?! Zom-sperm? Bad romance? Adik.

Nagitla ako nang kumanta si Apollo, Kaizen at Maxwell.

"In your head! In your head! Zom-sperm! Zom-sperm! Zom-sperm! Ey! Ey! What's in your sperm! Barren sperm!"

Napasapo ako sa noo ko dahil sa naririnig ko. Bakit hindi ko matandaan na kinanta ko yan?

"Don't act like you forgot, promdi girl," ani ni Esther.

"Sperm ka ba?! Marami akong nainom kaya hindi ko maalala at hindi ako umaakto na hindi ko maalala," inis na ani ko.

"Cut that scene, let's eat," pagpuputol ni Yuhence.

"Oy sperm ka!" duro ni Kaizen kay Esther. "Sa pagkakaalam ko suportado ka kay Veng na bibirit siya nang bad romance. May pa-sabi sabi kapa na 'She can do it, i know my baby'. Kaya ikaw ang wag umakto na parang nakalimutan mo!"

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now