CHAPTER 45

3.2K 118 9
                                    

CELION'S POV

"After 2 minutes lock and load. And give them a grand show. Ngayon na tayo magsisimula nang delubyo para sa pamilyang Ty," anas ko.

"But Celion ang babae nilang anak ay nasa Palawan," sagot ni Stellar Wind. "So how can she know our message for them?"

Her name is a code name. Kaya hindi niya tunay na pangalan ang Stellar Wind. Isa siya sa mga kapatid ko na gusto din makabawi sa Ty. Dahil hindi niya lubos matanggap na nawala ang aming bunsong babae. Kaya lintek lang ang walang ganti.

"No worry about that shit, Wind. Dahil makakatanggap din sila ng mensahe galing sa atin," nakangising sabi ko.

Kasalukuyan namin binabantayan ang mga galaw ng pamilyang Ty. Kulang ang kanilang miyembro. Si Solemon. Ang may pakana nang lahat ng ito. Pero ngayon buhay ang kukunin namin. Dahil buhay din ang kinuha ng pamilyang Ty sa amin.

"1 minute," sagot ko.

"Revenge time," nakangising sabi ni Neon. "Sabihin mo kay C pakibilisan ang kanyang trabaho."

Hindi din niya tunay na pangalan ang Neon. Bagkus lahat ng pangalan namin ay isa lamang code name. Mahirap na.

"He knew what he was going to do," sagot ni Wind.

Sinimulan na nilang ikasa ang mga dalang baril. Nandito kami sa tapat nang kanilang Empire Company. Bibigyan lang namin sila nang pasabog na mensahe na kailangan nilang mag-handa.

"I will hurt you all for this, family Ty. I don't know how yet, but give us some time. A day will come when you all think safe and happy, and suddenly your joy will turn to ashes in your mouth, and you'll know the debt is paid," bulong na anas ko.

"The best revenge is massive success," dagdag ni Wind.

"Dahil nasa atin naman talaga ang tagumpay," sagot ni Neon.

Tama sila. Nasa amin ang tagumpay at wala sa pamilyang Ty. Dahil sisiguraduhin namin na may mamamatay sa kanila.

"They're here," sabi ng bata namin.

Binaba na namin ang mask namin at agad na bumaba sa sasakyan. Nang matamahan namin na sumakay na ang mag-asawang Ty agad na kaming nagpaputok at tinadtad ng bala ang sasakyan.

May nagsitakbuhan na tao at nagkagulo pero wala kaming pakialam. Patuloy naming binabaril ang sasakyan hanggang sa maubos iyon. Nang maubos na ay napagpasyahan namin na umalis na.

"Let's go!" sigaw ko.

Agad kaming sumakay sa sasakyan at pinaharurot iyon nang mabilis. Doon na din namin tinanggal ang maskara at suot naming puros itim.

"Mag-ayos na kayo dahil lilipat tayo nang sasakyan."

Pag-tapos kong sabihin iyon ay tinanggal na namin ang suot namin at inayos ang sarili.

"Iwan ninyo ang gamit nating Van," utos ni Neon.

"What the fuck are you looking at, bitch?!" sigaw ni Wind sa bata namin.

Nilingon ko siya. "Bilisan mo kasi!"

"Fuck you," inis na sagot niya.

Ngumisi ako at napaisip. Simula pa lang ito nang aming palabas Ty. Simula pa lang. Hindi pa ito matatapos. Dahil hindi kami titigil na hindi kayo susuko at magmamakaawa na wag kayong patayin.

"Now what?" tanong ni Neon.

"Let's wait for C. For sure napadalahan na din nang mensahe ang babaeng Ty."

Ang Basagulerang ProbinsyanaOnde histórias criam vida. Descubra agora