CHAPTER 51

2.6K 120 13
                                    

VIVIENNE'S POV

Sa itsura ng babaeng kaharap ko ay masyadong maganda kumpara sa akin. Maganda ang pangangatawan at may hubog, maganda ang pagmumukha pero ang kapal ng mukha niya para harutin si Esther.

Mas malala pa ata siya kay Lyndel ang king ina.

Bagay sila magsama ni Lyndel. Pero ang babae na ito ay parang mas malala pa kumpara kay Lyndel. Walang epekto sa kanya ang mga sinabi ko. Walang takot na mababasa sa kanyang mukha dahil binibigyan niya ako na magandang ngiti. Ngiti na nakakainsulto.

"Are you jealous?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Masyado ka kasing maganda kaya kailangan kita pagselosan. At batid kong sa itsura mo ay hindi ka titigil hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo," seryosong anas ko.

Tumawa siya sabay tingin kay Esther na parang nang-aakit. Ngumisi siya pero nandoon pa din ang ngiti sa labi niya.

"Because he's cute, handsome, and bad boy. Kaya i like him," malambing niyang sagot.

"He's cute, huh? Yeah i know he's cute, but he's mine. Touch him and I'll kill you."

"Hahaha. Make me."

Ngumisi ako at humakbang sa kanya nang dalawang beses pero hindi man lang siya umatras. Bagkus binigyan pa niya ako nang nakakalokong ngisi.

"Wag si Esther ang landiin mo," madiin na sabi ko.

"I'm not flirting. I'm just being extra friendly to your boyfriend because he's extra attractive," sagot niya habang nakatingin kay Esther. Kumagat labi siya sabay kindat. "And i want him, that's why i mess with him."

Nagsisimula na akong mainis pero pinipigilan ko lang ang sarili kong gumawa ng gulo dito. Masyadong pangit tignan para sa akin ang gumawa ng gulo dahil lang sa lumalandi kay Esther. Hindi naman din ako magtataka dahil masyadong gwapo si Esther at lapitin ng babae.

Pero ibang babae ata lumapit sa kanya. Kung desperara si Lyndel mas di hamak na desperada ang kaharap ko ngayon.

"Simple lang naman kung hindi mo ito susundin," sabi ko para mapatingin siya sa akin. "Don't mess with my boyfriend. I'm just a woman you don't want to cross. Because you have no idea what I'm capable of."

"Baby," tawag sa akin ni Esther.

Nilingon ko siya pero ang babaeng kaharap ko ang sumagot kay Esther.

"Oh my God? Tinawag mo akong baby?" nakangiting sabi niya.

"No. You're fucking desperate, so please stop?" Inis na ani ni Esther.

"I don't want to stop," nakangiti niyang sabi.

Tinignan ko siya at tumingin din siya sa akin.

"Tignan lang natin kung maaagaw mo si Esther. Dahil maniwala ka sa akin magmumukha ka lang tanga," ani ko. "Tara."

Tinalikuran ko na ang babae at sumunod na sa akin si Esther. Nakarating kami sa batibot at kami lang ang tao dito ngayon. Umupo ako sa damuhan at tinabihan ako ni Esther sa pagkakaupo. Humiga ako doon at nakatingin ako sa kalangitan.

"Kamusta yung pisngi mo?" rinig kong tanong niya.

Tumingin ako sa kanya sabay buga ng hangin. "Ayos naman."

"Hindi na masakit?"

"Malayo ito sa bituka kaya hindi."

"Are you mad with her?"

Ang Basagulerang ProbinsyanaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ