CHAPTER 44

3.3K 139 7
                                    

VIVIENNE'S POV

Kinabukasan maaga akong bumangon upang tignan na ang negosyo ng mga pamilya namin dito. Kung hindi ninyo tatanungin ay nagtalo pa kami ni Esther kung sino ang matutulog sa kama. Pinipilit ko na doon siya matulog sa kama at ako naman ay sa mahabang sofa.

Ngunit nang makahiga na ako sa sofa ay hindi ko inaasahan na bubuhatin niya at sabay hagis sa kama. Hindi ko inaasahan na gagawin niya sa akin yon pero hindi na ako nakipagtalo.

Naligo na ako at nagbihis ng dress. Si mama ang nag-asikaso ng damit ko pero hindi ko naman inaasahan na puro dress na pang-beach ang hinanda sa akin.

"Vien, are you done?" katok ni Esther sa pinto.

"Sandali nagbibihis pa ako!" sigaw ko.

Sa silid na ito ay nandito din ang paliguan kaya naghintay si Esther sa sala. Nang matapos ako ay ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Pero hindi ko malaman kung bakit tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Why are you wearing that?" kunot noo niya din tanong sa akin.

Tinignan ko ang sarili ko. "Anong masama sa suot ko? Dress beach naman ito."

"Look at your back," ani niya.

"Sperm ka ba? Sa tingin mo ba nakikita ko ang likod ko?"

"Aissh!" inis na singhal niya. "Nakikita ang makinis mong likod. Yung tela naman sa baba parang nabitin at nakikita ang mapuputi mong legs. Yung mapuputi mong balikat nakikita din. Geulaeseo andwae. Hindi pwedeng may makakita nang mapuputi mong kutis!"

Napakurap ako nang ilang beses dahil sa narinig ko mula kay Esther. Napatigil din ako sa pagpupunas ng buhok ko dahil sa kanya.

"Anong gagawin ko? Ito yung susuotin na hinanda ng mama ko? Sperm to. Wala namang masama sa suot ko," inis na ani ko.

Hahakbang na sana ako pero hindi ko inaasahan na bubuhatin niya ako na parang isang sako na bigas.

"Esther ibaba mo ako!" hampas ko sa pwet mo.

"Stop heating my ass!" sigaw niya at padarag akong ibinaba sa kama.

Ass mo mukha mo!

"Sperm na baog ka talaga!" sigaw ko sa inis. "Wala na nga akong ibang damit!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Then wear my beach short and polo beach. No more buts. One but. One kiss."

Napanganga ako sa sinabi ni Esther. Ano bang masama sa kulay maroon na dress? Sperm. Tapos may balak pa siyang ipasuot sa akin ang kanyang mga damit? Piling niya kasya sa akin? Baog.

"Ayoko," sagot ko para lalo niya ako samaan ng tingin.

"Don't dare me, baby."

"Ayoko nga kasi magpalit. Nasa---"

"I don't care!" pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Bakit ka naninigaw?!" sigaw ko sa kanya.

"Baby, I said i don't care," malumanay niyang sabi pero may bahid pa din nang inis ang kanyang boses.

"Wala nga kasi akong ibang damit!"

"Why are you yelling at me?" nakanguso niyang tanong.

Napapikit ako sa inis. Bakit ba sa tuwing ngumunguso siya ang cute niya para sa akin? King inang nguso yan.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now