CHAPTER 15

5.2K 235 33
                                    

VIVIENNE'S POV

Nakarating na kami sa sinasabi nilang Club District. Kahit maga-ala una na ng hapon ay may nag-iinom pa rin ng ganitong oras? 13 kaming lahat at ako lang ang isang babae na kasama nila. Pero hindi naman ako iba sabi nila sa akin. Natuwa ako sa paraan na kahit ilang araw lang nila ako nakilala hindi nila ako tinuring na iba.

"Ano iinumin natin?" tanong ni Ivan.

"Beer?" kunot noong tanong ni Lash.

"Ikaw, Veng?" tanong sa akin ni Kaizen.

"Ayos na ako sa beer."

Napagdesisyunan din nila na mag-order ng iba't-ibang alak na iinumin. Si Apollo hindi ko malaman kung nalasing na. Pero ang sabi niya kanina hinaluan daw ni Kaizen ang iniinom niyang alak kaya daw siya tinamaan agad.

Si Esther naman ay lumayo sa akin. Katabi niya si Yuhence at Ivan na pinaggigitnaan din siya. Napaggigitnaan ako ni Kaizen at Apollo, dahil nag-bigay ng babala si Apollo sa mga sperm na baog.

"Ang uupo sa tabi ni Vien ay mamamatay maliban sa akin. Because she's my lil'sis and I'm her older brother. So mark my words," inis niyang sabi kaya sinunod siya ng mga baog.

"Veng, kaya mong uminom?" tanong ni Kaizen sa akin.

"Hindi naman ako bago sa mga alak, Kaizen."

"Sabi mo yan, ah? 'Wag kang mag-alala pag nalasing ka narito naman kami para ihatid ka."

"Sabi mo yan," nakangising sabi ko at tumango siya.

May kanya-kanya na kaming hawak na alak. 'Yong iba mamahalin na alak ang binili pero sa amin nila Apollo at Kaizen ay beer lang. Nagtatawanan kaming lahat dahil sa mga kwento na inilalahad ng mga baog.

"Hindi pre ganito kasi yan. Kung sana nagpatalo tayo hindi sana tayo gagawa ng kababalaghan sa daan!" sabi ni Calix.

"Ayoko nga," nakangusong sabi ni Ivan.

"Edi tanggap mo na?"

"Hindi pa rin!"

"Hindi lang talaga pantay mag-bigay si Esther ng dare," sabay sabay sabi ng mga baog.

"Why me?"

Ano bang pinaglalaban nila kay Esther?

"Ano ba yon?" baling ko kay Kaizen.

"May napagkasunduan kasi kaming lahat. Sabi ni Esther pagnanalo raw kami sa laban may dare daw siyang ibibigay."

Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon? Panalo kayo 'di ba? Bakit kayo gagawa ng dare imbis na si Esther?"

"Batas eh."

"So ano nga yon?" muli kong tanong.

"Si Yuhence... nag-dare si Esther kay Yuhence na bumili ng napkin sabay sabing 'May tagos ba ang pantalon ko?'"

Dahil sa sinabi ni Kaizen ay nagtawanan kaming lahat. Pero si Yuhence ay naka-poker face lang na nakatingin sa akin.

"Stupid dare," anas ni Yuhence.

"Mas matindi nga dare ni Esther kay Maxwell e'," rinig kong sabi ni Ivan.

"Ano?" tanong ko.

"Sa gitna ng kalsada haharang siya tapos huhubarin ang pantalon sabay sigaw 'Lil dicky!' Hahaha!"

"Gago pre! 'Di maliit ito," inis na sagot ni Maxwell.

"Mataba pero maliit," sabay tawa nilang lahat maliban sa akin.

Di ako nakaka-relate. Ang bastos!

"Tss. Cut that topic. Gross," suway ni Esther.

"GROSS?!" sabay sabi ng mga baog.

Ang Basagulerang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon