CHAPTER 20

4.9K 230 41
                                    

VIVIENNE'S POV

Kinabukasan wala pa rin kaming pansinan ni Esther. Kahit noong umuwi kami hindi 'man lang namin nagawang magpansinan. At hindi ako sanay. Nasanay ako na lagi niya akong iniinis o kinakausap pero ngayon, sperm! Gusto kong magpansinan na kami pero nahihiya akong mag-first move.

"Hija, puntahan mo na nga muna si Esther sa kanyang kwarto at na kayo ay magsipasok na sa inyong paaralan. Aba? Baka mahuli kayo niyan. Kaya sige na larga na sa kwarto ni Esther para makaalis na kayo," ani ni Manang nang naglalagay na makakain sa mesa.

"Opo," anas ko at nagmartsa na para akyatin si Esther sa kanyang kwarto.

Nagbuga muna ako nang malalim na hininga bago ko katukin ang pintuan ni Esther.

"Esther," pagtawag ko sabay katok. "Am, hindi ka ba papasok? Esther."

Kaunti pang katahimikan pero hindi niya pa rin binubuksan. Kaya panibagong katok na naman ang ginawad ko pero hindi pa rin niya binubuksan. Bumugtong hininga ako.

"Ano ba ginagawa neto sa loob at ayaw akong pagbuksan?" bulong na tanong ko.

Kumatok ako muli pero hindi niya pa talaga binubuksan. Kaya idinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung may ingay ba na nagmumula sa loob. Nang maidikit ko ang tenga ko idinikit ko rin ang dalawa kong palad sa pinto. Na walang ano-ano ay bigla iyong bumukas at nadama ko ang pisngi ko na dumikit sa makisig na dibdib ni Esther. Kaya napatayo ako nang ayos at tingalang tinignan si Esther.

"What are you doing?" tanong niya.

"Ah. Sabi kasi ni manang na puntahan daw-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"I said what are you doing?" Hindi ko tinanong kung anong ginagawa mo rito," walang emosyon niyang sabi.

Muli kong binalikan ang una niyang tanong kaya napapikit ako sa hiya. Tinatanong niya kung ano ang ginagawa ko hindi niya tinanong kung bakit ako narito. Sperm ka, Vien!

"Am, kanina pa kasi ako kumakatok pero hindi ka natugon."

"Okay," at binangga ang braso ko.

Napakurap ako sa kanyang inasta sa akin. Kaya bago pa siya nakakahakbang papalayo ay tumakbo ako at hinawakan ang braso niya.

"Esther, mag-usap tayo," ani ko at tumingin lang siya sa akin.

"What?" walang emosyon niyang sabi.

"Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo mo. Nasanay ako na lagi kang nagsasalita pero ngayon iba. Simula nang mangyari ang sagutan natin ay hindi mo na ako pinansin. Binigyan mo nga ako ng cake pero hindi mo naman ako pinansin. Esther sagutin mo nga ako?"

Bumugtong hininga siya at tumingin sa akin ng ayos. "Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba?"

A-Anak ng?! Seryoso ako baog! Buwiset! Ang ganda ng tanong ko pero ang lupit ng sagot! Sperm kang baog! Sperm ka!

"Umayos ka nga!" Inis na ani ko.

"I'm serious. Why would i answer you? Are you courting me?"

Napapikit ako sa sobrang inis. Kinakalma ko lang ang sarili ko na hindi siya kurutin o sapakin dahil gusto ko maging okay kami.

"Ang ibig kong sabihin sagutin mo ko kung g-gusto mo ba ako kaya ganyan ang inaasta mo?" nautal ako sa salitang gusto.

"Nasaktan lang ako pero hindi kita gusto," sagot niya.

"H-Hindi mo naman pala ako gusto bakit ka nasasaktan ka?" tanong ko pa at walang pinagbago ang emosyon sa mukha niya.

"I don't know," mabilis niyang sagot sabay iwas ng tingin.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now