CHAPTER 40

3.1K 145 20
                                    

VIVIENNE'S POV

Nagising ako sa malakas na ingay at katok na nanggagaling sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"My princess!" malakas na katok ni kuya sa pintuan ng kwarto ko.

"Hindi ganyan mag-sira ng pinto!" sigaw ko at pumasok siya sa loob na nakangiti. Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo habang kinukusot ang mata. "Problema mo?"

"Ginigising ka. Is it masama?"

"Ang hyper mo ngayon e'," nakangising sabi ko.

"Hahaha. Ganon talaga kapag may gwapo kang kapatid," natatawa niyang sabi sabay kindat.

"Tss. Asa," sabi ko at nag-pout siya. "Lumabas ka na maliligo na ako."

"Okay. Ako din... may sasabihin din sila mommy and daddy," sagot niya at hinalikan pa ang noo ko bago lumabas.

"Ano naman ang sasabihin nila sa akin?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Tumayo na ako at tumungo na sa banyo para maligo. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon yung may tumutok sa amin ng baril. Naiangat ko ang mukha ko sa umaagos na tubig mula sa shower.

Hindi naman ako tanga na ipapaputok ko talaga ang baril sayong baog ka. Tss.

Natapos akong maligo at magbihis. Pagtapos non ay bumaba na ako upang tumungo sa hapag kainan.

"Good morning pa, ma," bati ko at tumabi sa mama ko.

"You should call me mom, hija anak," sabi nito.

"H-Hindi lang po ako sanay," sagot ko.

"Viena, let her. Kung saan siya sanay hayaan mo na ang anak mo," komento ni papa Rastus.

"Okay hon," nakangiting sabi ni mama.

"Good morning my lovely people!" sigaw ni kuya Vanz para mapalingon kami sa kanya.

"Minimize your voice, son," suway ni papa.

"I'm sorry, dad. Ang saya ko lang," sagot nito at tumabi na siya sa tabi ko. "Right my princess?"

Tumingin ako. "Left."

"What? I said right."

"Mali ka. Kaliwa yon."

"I don't get it."

Ngumisi ako. "Nasa kaliwa mo kako yung kanin."

Bigla siyang ngumuso kaya natawa ako.

"Why are you so pilosopo?" anas niya habang naglalagay nang makakain.

"Hindi kaya," sagot ko at tinignan ang mga magulang ko. "Ano po yung sasabihin nyo?"

"After class mo umuwi ka agad ng maaga dahil may dadaluhan tayong dinner," nakangiting sagot ni mama.

"Para saan po yon?"

Hindi pa naman ako sanay na makihalubilo sa ibang mayayaman o malalaking tao. Paano ko pakikisamahan ang mga yon? Kung manatili na lang kaya ako sa tabi ni kuya Vanz? Tama.

"Mamaya na lang namin sasabihin sayo. Hon, we gotta go malapit na dumating si Mrs. Vargaz at Mr. Vargaz."

"I am so excited," nakangiting sabi ni mama.

Mrs. Vargaz at Mr. Vargaz? Parang apelyido ni Esther!

Hinalikan muna ako ni papa at mama sa noo bago umalis. Tinignan ko si kuya na nakakuyom ang kamao. Hinawakan ko ang braso niya para mapatingin siya sa akin.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now