CHAPTER 62

2.7K 135 14
                                    

ESTHER'S POV

Dumating ang mga pulis at nahuli ang dalawang magkapatid na si Cloud at Anemoi. Pero si Thaddeus at kanyang daddy ay patay dahil sa pagsabog ng sasakyan. Bumundol kasi sa pader ang sasakyan ni Thaddeus nagkataon din na nandoon din ang daddy niyang nakaupo at hindi makatayo kaya siya nadamay sa pagsabog. Sa sobrang lakas nang pagsabog ay tumalsik kaming iba.

Pero kay Vien ako tutok dumudugo ang kanyang noo at sobrang dami kaya agad kaming nagpanic. Nilapitan ko si Vien at akma ko na sanang hahawakan ngunit may pumigil sa akin.

"No. Don't touch her."

Nilingon ko siya. "Leander?"

Tinignan ko ang kamay niya na hinawakan ang pulsulan ni Vien at leeg.

"Tumitibok pa ang puso niya. Pakibuhat siya. Ingatan nyo yung ulo niya," utos niya sa nurse.

I-I don't get it. Doctor siya?!

"My daughter!"

Nagsilapitan ang mga kaibigan ko at si Vanz kasama ang parents niyang may mga bangas din ang katawan. Tinignan ko si Yuhence na kasalukuyan na nakatingin kay Vien.

"Shit? My princess!" akmang hahawakan ni Vanz ang kanyang kapatid pero pinigilan na naman siya Leander.

"Don't touch her. Malala ang pagkakahampas ng ulo niya. Kailangan na natin siyang maidala sa hospital," seryoso niyang sagot at sinundan ang mga nurse na dala-dala si Vien.

"Rastus, let's go. Let's go. She need us," luhaang sabi ni tita Viena.

"Sandali!" sigaw ni Vanz at tinignan ang mga pulis at bumbero. "Where's my lolo?!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Vanz at tinignan ang sasakyan na sumabog. Naalala ko. Nandon din si Mr. Ty sa loob ng sasakyan at puro bomba.

"Naunang dalhin ang katawan ni Mr. Solemon sa hospital dahil humihinga pa ito," sagot ng pulis. "Pero yung dalawang tao patay. Nagkataon din kasi na nakatalon ang lolo mo pero nasunog ang kanyang katawan."

"Oh my god," ani ni Nayih sabay yakap kay Maxwell. "Masasaktan neto si Vien."

"R-Rastus your father," luhaang sabi ni Tita Viena.

"Y-Yes hon. Pupunta na tayo sa hospital. Let's go son," sagot ni Tito Rastus.

Napatingin ako kay Vanz at sa parents niyang lumalakad na papalabas ng bodega. Sumabay sila sa pulis upang ihatid sila sa hospital.

"Grabe dugo ng noo ni veng tuloy-tuloy," emosyonal na sabi ni Kaizen.

"Hindi maganda ang lagay ni Vien pati ang lolo niya. Paniguradong magagalit siya nito ng sobra," sagot ni Apollo.

Hindi pa din ako makapaniwala na niligtas ako ni Vien upang siya ang mabangga ng kotse. Dapat ako sana ang mababangga kung hindi niya lang ako nagawang iligtas. Isama mo pa yung nabaril siya sa taas ng balikat pati sa tiyan niya.

"Nakakaawa yung baby ko," luhaang sabi ni Nayih.

"She will be okay babe. Wag kang mag-over thinking."

"Thank you pala Yuhence. Kung hindi mo sinundan si Vien paniguradong lahat sila napahamak," sabi ko.

Siya ang nagsabi sa amin na nasa panganib si Vien. Sinundan niya daw si Leander at Vien upang makasigurado kung gagala lang daw sila. Pero hindi. Sa dating bodega sila pumunta kaya agad niya kaming tinawagan. Grabe din ang kaba namin lahat kaya nagmadali kami.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now