CHAPTER 10

5.4K 226 8
                                    

VANZ'S POV

Nandito ako ngayon sa Westside kasama ang mga tukmol kong kaibigan na kasalukuyang naglalaro ng basketball. Kami ni Apollo at Yuhence ay nakaupo habang ay iba naglalaro.

"May hinala ka na ba?" tanong ni Apollo sa akin.

Sa totoo lang may hinala na ako kay Vien dahil sa suot niyang kwintas. Pero ayoko siyang biglain baka tumanggi siya sa sasabihin ko at sabihing may magulang siya edi napahiya pa ako? 

Pero dahil sa suot niyang kwintas naghihinala na ako. Dahil nung 4 years old pa lang ako at siya ay one year old binigay ko ang kwintas na iyon sa kanya. Kaya kalahati ng porsyento ay kapatid ko siya. May sagot din naman sa mga katanungan ko. Ang DNA test. Pwede kaming magpa-DNA test para malaman na mag-kapatid kami. 

"Yes. Pero ayokong gumawa ng hakbang, Apollo. I know she will shock when she finds out." 

Lumingon si Yuhence sa akin. "When do you get plan to tell her the truth? Bro, from the start I knew that she's your long lost sister. 18 years bro, 18 years. Her necklace is the answer of your question. She's your sister. I swear," sabi pa niya at napabugtong hininga ako.

"So don't lose your chance, Vanz. Nakakasama mo na ang kapatid mo wala ka pa rin balak?" Apollo asked me.

"Confused pa ako," mabilis kong sagot.

"Tell her as soon as possible, Vanz. Baka bago mo sabihin sa kanya ang totoo kung kailan nakauwi na siya ng probinsya?"

"Then I'll follow her, as easy as that." nakangising sagot ko.

"Sana malaman niya na," sabi pa ni Yuhence.

I hope so. 

Kaunting katahimikan at tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na nagawang tignan kung sino ang caller dahil agad ko na lang iyon sinagot.

"Hello."

[Gusto mo bang makitang buhay ang kapatid mo? Pagsalitain nyo yan!]

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa boses ng lalaki. "Anong ginawa n'yo sa kanya?"

[Papatayin ko itong—ah! Tangina kang babae ka!—Mas tangina ka! Wag kang pupunta rito kundi ako ang papatay sayo.]

"Vien?! Anong ginawa n'yo sa kanya?!" sigaw ko pa at nagulat ang dalawa.

[Pumunta ka sa Dark House. Ikaw lang mag-isa wag kang magsasama ng ibang Westside,] at pinatay niya na ang linya.

"Shit!" 

"Vanz what happened?" tanong ni Yuhence.

"Vien is in danger. I'm going to save her," tayo ko pero pinigilan ako ni Apollo. 

"Sasama kami."

Nanlaki ang mata ko. "Mamamatay ang kapatid ko kung lumabag ako sa usapan!"

Nag-silapitan ang mga kaibigan ko na kasalukuyan lang naglalaro. Naano sila dahil sa sigaw ko.

"Vanz, bakit?" tanong ni Kaizen.

"Nasa panganib si Vien," si Yuhence ang sumagot.

"Anak ng?! Tara na!"

"Wait. Papaunahin natin si Vanz na pumunta at susunod tayo. We need to tell Esther about this," sagot pa ni Apollo.

"Tara na!" sigaw ng mga tukmol.

Dali-dali akong pumunta ng parking lot at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Medyo kinakabahan din ako sa mangyayari sa kapatid ko.

"Shit. Kapag talaga siya may bangas ako ang papatay sa inyo!" sigaw ko pa. 

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now