CHAPTER 11

5.2K 222 20
                                    

VIVIENNE'S POV 

Nakarating na kami ni Esther sa hospital. Inalalayan niya na akong makalakad at dinala sa emergency room. Nadala na rin daw si Kuya Vanz sa ICU. Medyo kinakabahan ako dahil parating na raw ang parents ni Kuya Vanz.

"Calm down, lil'sis," sabi ni Apollo.

"K-Kinakabahan ako," sabi ko pa.

"Veng, kami naman ang magpapaliwanag," sagot ni Kaizen.

"Ako na lang, Kaizen. Ako kasi ang pinagmulan ng gulo at nasama lang si Kuya Vanz doon," pilit na ngiting sabi ko.

May pumasok na nurse na kung sakali ay bawasan ang tao dahil hindi raw allowed na marami ang bantay kaya pinaiwan nila si Yuhence rito. Si Esther naman ay may kinakausap pa raw pero pabalik na.

"Are you okay?" tanong niya sa akin at tumango ako. "You should rest."

"A-Ayos lang, Yuhence. Hinihintay ko kasi 'yong parents ni Kuya Vanz," pag-presinta ko.

"Why?" 

"Ako kasi ang kakausap tungkol sa nangyari." 

"Alam na nila Esther—"

"Ako na lang," pagpuputol ko sa sasabihin niya at napagbugtong hininga siya.

Kailangan ko rin kasing pigilan ang bibig ko na mag-tanong kung sila ba ang magulang ko. Kailangan ko lang sabihin ang totoong pangyayari at hindi ko kailangan isingit ang personal na problema ko. Si Kuya Vanz lang dapat ang isasagot ko dahil sa nangyari at wala ng iba. Tsaka na ako mag-tatanong kung sila ba ang magulang ko pag may ipagmamalaki na ako na ikatutuwa nila.

Iniisip ko rin si Lolo Solemon. Dalawang linggo na ako dito sa Maynila pero wala pa rin akong contact sa kanya. Nag-aalala ako kung kamusta ang kalagayahan niya. Kung wala bang nanloob sa bahay niya. Ang dami kong tanong na alam kong wala naman sasagot.

"Are you thinking someone?" tanong ni Yuhence.

"Yong lolo ko sa probinsya," mahinang anas ko.

"Why? May nangyari ba?"

"Wala naman. Hindi ko pa kasi siya natatawagan simula noong dumating ako rito sa Maynila," napayuko ako.

"Don't worry I'll help you," sagot ni Yuhence na ikinagulat ko.

"P-Paano?"

Ngumisi siya, "I have ways." 

Ano daw? Abnormal na baog ito. 

Maya maya pa ay may humawi ng kurtina at iniluwa roon si Esther. Tumingin muna siya kay Yuhence bago tumingin sa akin.

"They're here. Do you want see them?" tanong niya at tumango ako.

Lumapit siya sa akin para alalayan ako pero hinuli ni Yuhence ang kamay ko.

"Aalalayan kita," sabi niya.

Napalunok ako at napatingin sa kanan kong kamay dahil hinawakan din iyon ni Esther.

"I can handle her. So leave it to me," malamya niyang sabi.

Ano bang nangyayari sa dalawang ito? At umaakto ng ganito sa harap ko?! Gago lang?

"A-Ako na. Kaya kong maglakad," pagpresinta ko para hindi na sila magkainitan.

"Are you sure, Vien?" tanong ni Yuhence at tumango ako.

Hinayaan nila akong makatayo at lumakad papatungo sa ICU. Pinaggitnaan nila akong dalawa nang makapasok ako. Mga baliw amputa. Mga sperm na baog.

Nakarating kami sa hall way ng ICU at nakikita ko na ang dalawang tao na masyadong sosyal ang pangsuotan. Iyon na siguro ang magulang ni Kuya Vanz. Kasalukuyan silang nagtatanong sa mga kaibigan ni Esther na hindi man lang nila sinasagot. Nagitla na lang ako ng biglang may humawak sa batok ko at walang hirap na tinanggal ang kwintas na suot ko. Nilingon ko ang likod ko at kita kong binulsa ni Esther iyon.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu