EPILOGUE

5.3K 257 50
                                    

ESTHER'S POV

"Oh baby? Bakit ka nakasimangot?" tanong ko sa anak kong si Eris. Yung mommy niya ay na sa trabaho habang ako naman ay sinundo siya dito sa school.

"Dahil may isang sperm na baog na feeling gwapo na mukha naman tuko. Take me home daddy he's getting into my nerves," seryosong sabi ng anak ko sabay kibit balikat.

Dahil sa itsura ng mukha niya ay hindi ko napigilan ang hindi matawa.

"Why are you laughing at daddy? Sperm na nga yung lalaki na yon eh!"

"Sino ba kasi?"

"Yung anak ni Tita Nayih pati ni Tito Maxwell!"

"What about him?"

"He try to kiss me in my cheeks. Pero agad ko syang sinapak dahil iyon ang turo ni mommy sa akin."

Natahimik ako sa sinabi ng anak at pasimple na lang kung ngumiti. Hindi namin malaman ni Vien kung kanino nagmana ang ugali ni Eris, kung sa akin ba o sa kanya.

"Oh? Bat nakabusangot yang anak mo?"

"Oh? Akala ko ba na sa trabaho ka?" turo ko kay Vien.

"Nag-half day lang ako dahil sa sinabi ni Nayih ay sinapak daw ni Eris ang anak nila na si Matt."

"Dahil hahalikan niya dapat ako mommy so katulad ng tinuro mo ay sinunod ko lang."

"See? Pati ang anak mo ginagawa mong basagulera," ani ko sabay inom ng juice.

"Para matutong lumaban sperm ka."

"Yan! Pati yung sperm na baog na yan sinasabi na niya. Hoy 9 years old pa lang ang anak natin turuan mo nang magandang asal!"

"Hoy sperm na baog. Magandang asal ang tinuturo ko dyan kaya wag kang magsalita nang ganyan laban sa akin baka sa labas ka ng kwarto matulog ngayon!" duro sa akin ni Vien at ngumiti.

"Joke lang baby," nakangiting sabi ko sabay baling sa anak ko. "Kumain muna tayo at gawin mo muna ang homework mo pagkatapos."

"Yes dad. I love you mom."

"I love you too."

Ngumuso ako. "Ako walang i love you?"

"I sperm you."

"What?"

"I said i hate you," sagot ng anak ko sabay dinilaan ako.

"Ah i hate you ah," ani ko sabay takbo kay Eris at kiniliti siya sa tagiliran.

"Hahaha. Daddy! Stop it! M-Mommy! H-Help me! N-No!" natatawang sabi ni Eris. "Mommy help!"

Sa halip na tulungan siya ni Vien ay nangisali siya sa pagkikiliti sa anak namin. Natapos ang kasiyahan na iyon at nandito na kami ni Vien sa kwarto namin.

"Parang kailan lang pinapaliguan ko lang ang anak ko ngayon siya na ang nagpapaligo sa sarili niya," sabi ni Vien habang nakayakap sa akin.

"Yeah. Ang bilis ng panahon."

"Pero hangga't maaga bakuran mo yang anak mo. Dahil si Matt tingin ko ay gusto niya si Eris."

"Sure baby," nakangiting sabi ko at sabay halik sa noo niya. "What if?"

"Ano?"

"Bigyan na natin ng kapatid si Eris?"

"Kung ikaw kaya ang buntisin ko? Ang hirap-hirap manganak Esther."

"But i want more baby," nakangusong sabi ko. "Pareho na tayong 33 Vien, 9 years old na ang anak mo."

"Tsaka na yan kapag handa na ako. Sa ngayon si Eris muna ang tutukan natin."

Kaunti pang katahimikan bago ulit ako nagsalita.

"Kahit ngayon na please?" ani ko at hinalikan na siya sa pisngi.

"Sabi ng ayoko eh!"

"Sige na? Sundan na natin si Eris."

"Gusto mong sundan?"

Nakaramdam ako ng pananabik. "Yes! Please? Don't be shy, pregnant more!"

"Ah," tango ni Vien. "Ngayon lumabas ka at sundan mo ang anak mo."

"W-What?" gulat na anas ko. "Hindi gan-"

"Labas!" sigaw niya sa akin. "Gusto mo na kamong sundan ang anak natin diba? Mag-isa ka kaya lumabas ka ng kwarto."

"B-But-" sinamaan niya ako ng tingin. "Fine."

Bumuga ako ng hangin. Akma pa lang sana akong tatayo pero agad na hinawakan ni Vien ang kamay ko at hinila upang mapahiga ako ulit.

"I love you," nakangiti niyang sabi at ngumiti ako.

"I love you more," sagot ko at hinalikan siya pero saglit lang.

"Tsaka na yan pwede? Hindi agad-agad ginagawa ang bata Esther, pinagpaplanuhan yan," nakangiti niyang sabi.

"But i want a baby boy."

"Soon baby... soon," ani niya sabay yakap.

"I can't wait."

"Maghintay ka."

"Anakan kita ng trenta-trenta tamo."

"Puputulin ko ang espada ng kaligayahan mo tamo."

Pareho kaming natawa ni Vien dahil sa mga sinabi namin.

Mahirap man ang pinagdaanan naming dalawa pero mas pinili naming labanan kaysa magpatalo. Dahil tama si Vien. Hindi ka mananalo sa isang laban kung paiiralin mo ang takot mo. Ang dami kong natutunan sa babaeng mahal ko, dahil siya yung tipong tao na paiiralin muna ang yabang kasama ang utak bago makipagsagutan sa mga taong nilalabanan niya.

Nagustuhan ko sa kanya ay kahit ilang beses mo na siyang nasaktan mas pipiliin ka pa din niyang patawarin. Sinasakripisyo niya ang sarili niya sa mga taong mahal niya. Wala na akong masabi pero para sa akin ay perpekto siyang babae.

I am so lucky to have a wife like her. Hindi ko na talaga papakawalan ang basagulerang probinsyanang kagaya niya. Hinding-hindi na.

I am Esther Vargaz, husband of Vivienne Zin Ty Vargaz. We're ready for the next level.

The End.

———————————————————

This is your Captain speaking! Hello mga ka-sperm na baog. Grabe! May 17, 2020 ko sinimulan at September 03, 2020 ko siya natapos. Thank you for being with me and thank you for your all supports.

Masyado n'yo akong pinasabik na gumawa lagi ng update dahil sa inyo. Love lots mga readers. Super thank you sa pagbasa ng akda ko. Kung hindi dahil sa inyo, wala ang ABP story.

Oh and if  you want to read Yuhence's story I'll put the title below. Yes. Merong story ang second leading man natin na minahal si Vivienne nang sobra. One of the most requested sa mga iba kong readers sa group.

Title: Under The Amethyst Sky

And this is your Captain again, the crazy girly captain. See you when I see you. Char! Love you all.

Ang Basagulerang Probinsyanaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें