CHAPTER 36

3.6K 153 11
                                    

VIVIENNE'S POV

Pumasok kami ulit ni Esther sa loob ng bahay at kinuha ang ginawa niyang shake na natira para sa kanya.

"Where's your shake?" tanong ni Esther sa akin.

"Ubos na."

"Do you want mine?" sabi niya sabay kain ng shake. "Ang sarap."

"Tapos na ako. Sayo na yan," natatawang anas ko.

"Eat," nasa harap ko na ang kutsara kaya tinignan ko iyon pati si Esther. "Eat it or else I'll kiss you again? Hard."

Napalunok ako sa sinabi niya. Kaya dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig at siya naman ay sinubo na ang kutsara na may shake sa akin.

"Hmm," ungol ko.

"Hmm, ha?" nakangisi niyang sabi.

Nahiya ako. Bakit ba sa tuwing sumusubo ako ng shake napapaungol ako? Ang sarap kasi.

"Tss," matunog na ngisi ko at pinanood ko siyang kumain.

Pag-trip niya akong subuan, sinusubuan niya ako. Iisang kutsara lang ang ginagamit namin.

"Gumawa ka ng ice cream?" tanong ko sa kanya.

"Nah," iling niya para samaan ko siya ng tingin.

"Bakit hindi?"

"Nainis ako sa narinig ko. Buti nga natapos ko 'yong shake," nakangisi niyang sagot.

"Sperm," bulong ko at tinignan ko ang wrist watch. "12 P.M na, Esther."

Pag-tapos kong sabihin 'yon ay muli kong tinignan si Esther na kasalukuyan na may nir-reply-an sa kanyang cellphone. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kaya dalawa ang tinitignan ko sa kanya sa cellphone at sa mukha niya.

Nakaramdam ako nang kakaibang inis mula sa dibdib ko.

"What are you saying again?" baling sa akin ni  Esther.

Bumuga ako ng hangin. "Alas-dose na ng tanghali. Nagugutom ka na ba?"

"12 P.M?" anas niya at tumingin din sa kanyang relo. "Oh. I was not aware of the time. Let's eat outside."

Tumango ako sa sinabi niya. Napagdesisyunan namin ni Esther na sa Sagada Brew kami kakain.

"Hindi ito pang-mayaman na resto katulad sa Maynila, Esther," anas ko sa kanya at pinagbuksan na niya ako ng pinto.

"I know, baby."

Iginawad na kami sa lamesa na para sa amin. Binigyan din kami nang menu.

"What do you want to eat?" tanong sa akin ni Esther.

Tumingin ako sa menu. "Sagada orange chicken."

"2," anas niya sa waiter.

Kumunot ang noo ko. "Pumili ka nang iba."

"No."

Ang dami mong alam sperm ka.

"Is that all, Sir and Ma'am?"

"Give me the drink and dessert menu," anas ni Esther.

Nagugutom na ako.

"Here," abot sa akin ng waiter.

"Give us a Iced lemon. Baby, what do you want?"

"Banana caramel milk. Yung may keso at saging sa ibabaw," sagot ko.

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now