CHAPTER 66: The Final Ending

3.3K 133 13
                                    

VIVIENNE'S POV

Hindi ako mapakali sa higaan ko, kahit anong pwesto ang gawin ko hindi ko makuha ang tulog ko. Hindi ako makatulog kaya muli akong napabangon sa kama ko. Napaderetso ako ng tingin sa mukha ni Esther na mahimbing na natutulog.

"Hindi talaga kita maalala, pero gusto kitang maalala," bulong na anas ko.

Pilit kong iniisip kung saan ba kami unang nagkita ng lalaking ito pero sadyang hindi ko talaga maalala kung sino siya. Sino ka nga ba talaga? Totoo ba ang sinasabi mo na boyfriend kita at girlfriend mo ako?

Kasi hindi niya hahalikan ang noo ko kung hindi totoo ang kanyang sinasabi. Marahil totoo nga. Bahagya akong napabuga ng hangin. Kung ako nasa sitwasyon niya alam kong nasasaktan siya dahil siya lang ang hindi ko maalala. Alam kong nasasaktan siya pero sadyang pinapakita niya lang sa harap ko na ayos siya.

"Sa likod ng mga ngiti mo alam kong sobrang sakit na ng nararamdaman mo. Pero kahit ang sakit na, mas pinili mo pa din na magmukhang okay kahit hindi naman talaga," anas ko habang nakatingin sa mukha ni Esther.

Bahagyang kumilos ang katawan ni Esther patagilid pero nakaharap papagawi sa akin. Nagkibitbalikat siya at parang pilit na niyayakap ang sarili. Wala siyang kumot kaya agad akong kumilos at kinuha ang kumot ko. Hinawakan ko ang glucose at hinila papalapit kay Esther.

(A/N: Yung glucose po ay iyon ang pinagsasabitan ng dextrose. Isang mahabang stainless na may gulong na maliit sa mga paa. Iyon lang. Ge. Continue.♡)

Agad kong kinumutan si Esther at napatitig ako sa kanyang maamong mukha. Para akong hinihigop ng mukha niya dahil hindi ko maalis ang paningin ko doon. Gwapo ang mukha, may kakapalan ang kilay ngunit hindi sabog. Mapupulang labi, makinis ang mukha at mabango. Seryoso ba 'to? Boyfriend ko siya?!

Nakarating na ako sa bus station at hinihintay ang bus na kailangan bumiyahe sa Maynila. Sa pag-hihintay ko may bumunggo sa akin para mahulog ang dala kong gamit.

"Ano ba yan?!" singhal ko.

"I'm sorry Miss," sabi niya at tinulungan akong mag-pulot ng gamit. "Nice panty."

Nagulat ako ng iangat niya ang panloob ko kaya agad ko iyon inagaw sa kanya.

"Antipatiko kang gago ka!" sigaw ko sa kanya at mabilis kong nilagay ang damit ko na wala sa ayos.

"Hahaha! Your panty is nice. Flower. Walang T-back?"

Punyemas kang lalake ka!

Pag-tapos niyang sabihin iyon tumawa muna siya ng pahalakhak. Dumating na ang bus kaya agad akong nag-martsa papasok doon.

"Buwiset kang lalake ka! Isa kang sperm na baog," inis na anas ko.

Agad na lang akong napatayo ng ayos dahil sa naalala ko mula sa kanya. Kung ganon? Sa bus station kami ng Sagada unang nagkita? Muli ko pang sinulyapan ang mukha ni Esther. Hindi ako nagkakamali, doon nga kami unang nagkita.

"Hija?"

Agad akong napatingin sa pintuan dahil sa boses ng isang matanda. Pagkatingin ko ay biglang siyang ngumiti sa akin upang mapangiti din ako.

"Manang Cecil," ngiting sabi ko pero mahina lang. Tama lang na marinig niya.

"Bakit ka nakatayo dyan? O nandito pala itong alaga ko," sabi niya nang magbaba siya ng tingin kay Esther.

"A-Alaga? Alaga mo po siya?"

"Tama nga ang kwento ni Selesther. May amnesia ka nga," nakangiti niyang sabi pero ang paningin ay na kay Esther. "Naalala mo pa ba ang dalawang kambal?"

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now