CHAPTER 43

2.9K 128 7
                                    

VIVIENNE'S POV

"Forgive me. Forgive me, baby," hagulhol niya sa iyak.

Tuloy-tuloy din umagos ang luha ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na parang doon ipinaparating na sobra niya akong namimiss. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naging ganito siya dahil ang alam ko ay si Lyndel talaga ang mahal niya.

Lalo niyang pinapagulo ang nararamdaman ko. Lalo mong ginugulo ang isip ko.

"S-Sabihin mo sa akin k-kung bakit ka humihingi ng tawad?" garalgal na anas ko at napapikit. Iyon na naman ang pagtulo ng luha ko.

"I'm scared. Natatakot ako na mas lalo kang magalit sa akin. I admit that I was very hurt by what I saw. But the more I came to think of the past, you were so angry with me when you find out," naluluha niyang sabi at kumalas sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "But I can't. Hindi ko kaya na makita ka sa iba. Every time I saw you crying, it seemed to strike me in my heart. Whenever I see you happy, lagi kong sinasabi na sana ako ang nakakagawa na pasayahin ka."

Nanatili lang kami na nakatitig sa isa't-isa. Patuloy kaming lumuluha.

"I'm sorry kung sinaktan kita. Pasensya na kung pinalabas ko na niloko kita," dagdag pa niya.

Napalunok ako. "H-Hindi mo ako n-niloko? Pero bakit mo ipinalabas na si Lyndel ang mahal mo? B-Bakit mo pinamukha sa harap ko na n-niloko mo ako? K-Kasi Esther sobrang sakit nang ipinaramdam mo sa akin."

Nanatili lang siyang nakikinig sa sinasabi ko. Napaiwas ako ng tingin at pinahid ang luha.

"Sobra akong nasaktan na sabihin sa akin ni Lyndel na hindi mo talaga ako minahal. B-Bakit Esther? A-Alam kong nagkamali ako p-pero hindi mo man lang ako binigyan nang pagkakataon na magpaliwanag sa nakita mo," sabi ko habang lumuluha. "Pagbalik ko sa Maynila na isang linggo malalaman ko na lang na si Lyndel na ulit ang mahal mo? E-Esther anong klase ba yang nararamdaman mo? Bakit ganon na lang kabilis baguhin ang nararamdaman mo sa isang tao?"

Gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat ang hinanakit ko. Gusto kong sabihin sa kanya na sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Kahit sabihin kong hindi naging kami, ngunit umamin kami na mahal namin ang isa't-isa.

Pero nalilito ako. Nalilito ako sa sinasabi niya ngayon sa akin na mahal niya ako talaga ako. Hindi ko lubos maisip na lahat na ipinakita niyang panloloko sa akin ay pawang kasinungalingan lamang.

"Dahil ang sakit, Esther. Ang sakit. Dahil nangako ka! Nangako ka na hinding-hindi mo ako sasaktan!" sigaw ko para muli niya akong yakapin. "Nangako ka na mamahalin mo ako, nangako ka. Sapat na yung binigay mong kataga para paniwalaan kita. Para maniwala ako sa sinabi mong mahal mo ako at hindi mo ako kailanman sasaktan."

"I'm sorry," sagot niya.

"Pero hindi mo tinupad ang pangako mo. Dahil sobra mo akong sinaktan. S-Sobra-sobra mo akong sinaktan, Esther," garalgal na sabi ko.

"I'm sorry, baby. I'm gago. I am so gago to hurt you. I am so king ina to you, right? I'm king ina because i hurt you," sabi niya para mapapikit ako sa inis.

Nagawa pang mag-conyo ang king ina. Sperm ka talaga e!

"You're so king ina," anas ko.

"I'm so sorry," sagot pa niya. Rinig ko pa ang pag-bugtong hininga niya bago kumalas sa pagkakayakap. "For the times i hurt you, for the times i lied to you, for ever othe reasons you're so angry at me. I know my apologies don't mean a shit to you."

Ang Basagulerang ProbinsyanaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang