P O N D E R

330 18 0
                                    

CHAPTER 5

Pagkatapos niyang itali ang kaniyang buhok at maglagay ng kaunting make up sa mukha, ihinanda na niya ang kaniyang sarili para sakaniyang graduwasyon. Tiningnan niya ang oras at malapit nang magsimula ang seremonya kaya lumabas na siya sakaniyang dormitory at pumunta sa venue nang gaganapan ng seremonya.

She marched over the venue, looking formal and clean. But of course, she isn’t proud. She had a long face.

Nilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong naroroon na mga katulad niyang magtatapos na ng pag-aaral. Wala siyang makitang kakilala sa loob ng ilang minuto hanggang sa pagtingin niya sa kanan ay nakita niya ang kaniyang kapatid.

“Kim?”

Masaya itong lumapit sakaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

“Congrats, Ate! Ang ganda ganda mo!”, she complimented, happiness is well-written on her face.

Nagpakita nalang siya ng simpleng ngiti at nagpasalamat dahil dumalo ito sakaniyang seremonya para sumuporta.

“Saan sina mama?”, tanong niya sa kapatid habang lumilingon sa kaniyang likod baka sakaling nakasunod ang kaniyang mga magulang sakaniya.

“Eh…”, napakamot sa ulo si Kim at umiwas ng tingin.

“Tinawagan ko sila kanina kung pwedeng umattend sila pero may importante daw silang gagawin.”, she shrugged. “You know, business matters.”

She knows that words are coming. She sighed and tapped Kim’s shoulder.

“It’s okay, Kim. At least, nandito ka.”, she beamed as her sister gave her a meaningful hug.

“Sorry talaga, ate. Sorry.”, Kim cried and she hushed to comfort her.

“’wag kang umiyak rito. We’re in public, Kim.”, she demanded because Kim wouldn’t stop.

So then, Kim sobbed one last time before breaking the hug because the ceremony is about to start.

She wanted to cry, too.

But she wouldn’t give in just because of a mere reason that her parents aren’t coming. Dapat nasanay na siya sa ganito ngunit bakit may kirot parin sa kaniyang dibidib?

May trabaho ang kaniyang mga magulang, may rason naman sila, ngunit … palagi na lang ba? Palagi nalang bang may trabaho sila kahit kailangan niya ang kanilang presensya?

She keeps understanding them that they had to work for their family but can they spare a bit of time for her? Just a bit of time?

Nagsimula na ang seremonya at nagdasal nalang siya na matapos na kaagad dahil ayaw niyang umupo roon nang matagal kung isa lang naman ang naghihintay sakaniya. She was even expecting that she wouldn’t enjoy this whole day.

As of now, at least, she is done. She can look for work and live far away from Manila, away from her parents, and away from her empty home.

“CONGRATULATIONS, GRADUATES!”

Sa wakas, natapos na rin ang seremonya pagkatapos ng ilang oras na paghihintay. She marched out of the busy crowd. She met Kim from the exit but unexpectedly, her vision landed on a man standing there with a gift on his hand.

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Onde histórias criam vida. Descubra agora