T H E M A N

219 17 1
                                    

CHAPTER 14

AYAW na sana ni Klygy na pumasok sa trabaho ngunit hindi naman niya gustong umabsent sa pangalawang araw niya sa kompanya. Nakayuko siyang pumasok sa opisina.

Her head is still aching and she didn’t take her breakfast dahil late na siyang nagising at nagmadaling pumunta sa kompanya. She was so early that she was the first one to arrive. So then, she just did what needs to be arranged and communicate with the janitor who’s cleaning.

“Good morning.” bati ni Klam na kakapasok lang at nilagpasan siya para umupo sa pwesto niya sa tabi niya.

“Good morning.” bati rin niya at nginitian ito bago tingnan muli ang mga orders sa computer.

Maya maya ay napatingin siya sa naglagay ng kape sakaniyang lamesa.

“I’ve brought a coffee for you.” Klam smiled.

“Napadaan ako kanina sa isang coffee shop, I just throught na baka may mauna pa sakin sa office kaya dinagdagan ko ng isa.”

“Salamat po.” yumuko siya ngunit nahagip ng kaniyang mga mata ang nakabenda nitong kaliwang kamay.

“Okay lang po ba kayo?” she looked at him.

Napakamot ito sa ulo. “Okay lang ito. Nagkafracture lang.”

Tumango siya. “Mag-iingat po kayo.”

Nagpasalamat ito sakaniya at kinuha naman niya ang kapeng nilagay nito malapit sa computer niya.

At least there is something she can drink for her hangover. This is refreshing.

“Okay ka lang, Ms. Klygy?”

Napalingon siya kay Klam.

“Mukhang pagod ka.”, dagdag nito.

“Hangover lang.” ngumiti lang siya dahil ayaw na niyang pag-usapan kung bakit siya uminom kagabi.

“Salamat ulit sa kape.”

“No worries.”, he beamed.

Buti nalang at hindi na ito nagtanong pa.

“Oo nga pala, hindi mo na kailangang magtrabaho sa orders and deliveries. At don na ata ang pwesto mo.”

May itinuro ito malapit sa table ng kanilang boss.

Tumayo naman siya para tingnan ito at nakita ang bagong mesa don na ipinagtaka niya kanina kung bakit nandon.

“Assistant ka na ni Sir K hindi ba? He prepared that for you last night.”

Napatango siya.

“Huwag kang mag-alala kay KBum. Kayang kaya na niya ang trabahong yan. Minsan din naman ay tumutulong sakaniya si Kren.”

“Okay po. Pero okay lang po ba talaga na don ako? Hindi ba magagalit si Sir K?”

“Hindi yon magagalit. Mukhang estrikto lang yon.”

Tumango naman siya at niligpit ang mga gamit niya para lumipat sa sinabi ni Klam.

She arranged her things there until then, the door opens and the three men entered the room.

Napatanga siya sa nakikita niya. Si Kujilo ay nakabenda ang kamao. Si Klenton ay may pasa sa mukha at si Krensom ay namamaga ang labi. Sa mga mukha palang nito, masasabi mong nakipagbakbakan ang mga ito kagabi. Ito rin ba ang dahilan kung bakit nakabenda ang kamay ni Klam?

“Did you guys fight?” nagtataka niyang tanong sa mga ito dahil pabagsak itong nagsiupuan sakanilang mga pwesto na para bang napilitang pumasok sa trabaho.

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Where stories live. Discover now