L E A V E

175 11 0
                                    

CHAPTER 24


KINABUKASAN ay nag-ayos na siya ng kaniyang susuotin sa trabaho. Nang makalabas siya sa kwarto niya ay nakita niyang hinahanda ni Nima ang kanilang agahan. Pumunta siya sa kusina para kumain.

“Madam, bakit po kayo nagkakamay?” gulat na tanong sakaniya ni Nima nang makita siyang nagkakamay at ngayon lang din niya narealize ang ginagawa niya.

She groaned, washed her hands and reached the spoon and fork, blaming Sir K for teaching her to eat with the right hand.

“Kanino po kayo natotong gamitin ang kamay niyo sa pagkain? Kay Klam po ba? Si KBum din nagkakamay kapag kami lang ang kumakain.”

Napatigil siya sa pagnguya at napatingin sakaniyang katulong.

“Pero hindi siya nagkakamay kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Mukhang ayaw niyang ipakita na nasaniban siya ng kultura ni Klam. Hihi. So kanino niyo po natutunan?”

“Other people,” sagot nalang niya at nagpatuloy sa pagkain.

Nagkwento lang ang kaniyang katulong sa kanilang agahan at umalis na rin para pumunta sa kompanya.

“Good morning” bati sakaniya ni Klam na siya na naman ang nauna sa opisina.

“Good morning” Ngitian niya ito at dumeritso sa kaniyang table.

“Gusto mong magkape?”

Napatigil siya at napalingon kay Klam.

“Sige sige.” Ngumiti siya at nilagay ang kaniyang bag sakaniyang upuan at kinuha ang wallet at cellphone niya.

Sumunod siya kay Klam na lumabas para pumunta ng cafeteria. Kumuha sila ng kapeng iinumin nila at nakiupo sa pwesto don.

“Nanood ka nong 10th competition? Hindi kita nakita don,” pangunguna ni Klam magsalita.

Umiling siya.

Tumango naman ito, “Every 10th competition, Sir K gives a day off in the company dahil lahat ng mga heads ng departments ay gustong manuod. There was a rumour that Sir K wanted to postpone it before the competition but then, natuloy pa rin which is good. Kung hindi natuloy yon, I don’t know how much Sir K will lose. Sayang, wala ka don.”

This is what she likes from Klam, pormal itong makipag-usap at deritsahan. He often invites her with coffee kapag napaaga sila sa kompanya. Ito lang din ang mga oras na nakakapag-usap sila ng ganito dahil kapag nag-trabaho na ito, ayaw niyang naiistorbo.

“Sinu-sino pala ang nanalo?” pagtatanong niya.

“As usual, PriValsius won the solo category. Hmm, we were shocked that ‘The Twins’ didn’t join the competition. Marami ngang nag-aantay sa laban nila at nag-expect na mananalo na naman sila sa pair category pero hindi pala sila sumali. Sir K announced in the end na umalis na pala sa ZU ang ‘The Twins’. Sayang hindi ko nakitang lumaban ulit si Hellellous kahit mas gusto ko yong dating PriValsius.” Klam hummed.

“May pakiramdam akong may nag-iba kay PriValsius, Hellellous, at Heavenous.”

Natigilan siya. Klam noticed that?

“Sa mga nakita ko sa nakaraang taon tuwing may labanan, bumilis ang mga kilos ni PriValsius at nong lumaban rin siya sa competition, mukhang nagbubuntong siya ng sama ng loob. And then … I like how PriValsius fight before kasi magaling talaga siyang magpatumba sa iisang atake pero bigla nalang siyang naging sharp attacker. It was like she is a different person now.”

She gulped and then acted normal.

“Sorry nga pala kung marami akong nasabi” putol nito sakaniyang kwento.

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon