M O N T H

208 17 0
                                    

CHAPTER 16


“Here are the revenues of the company and its branches, Sir K. Nireview ko na rin yan and all you need to do is to look at it. If you have plans on surpassing the biggest sales we had, the marketing department will gladly find ways to attain your expectation.” Klygy watched sir K read the documents she put on his table.

Nanatili siyang nakatayo don para hintayin ang kaniyang sasabihin.

“Bring me coffee.”

“Yes, sir.” Umalis na siya sa opisina para pumunta sa café at nagtimpla ng kape nito. Yes, she makes coffee with her own dahil iyon ang utos ni Sir K sakaniya sa mga nakaraang linggo.

A month has passed since she worked in the company and everything is going smoothly. Palagi siyang sinasama ni Sir K sa mga appointments nito kaya nakakapunta siya sa iba’t ibang lugar na hindi niya naisip na puntahan.

They would usually go to dark places or hideouts of underground members. Those are the things she used to do but never loved them, this time, she had come up on loving those things because of her work.

Nasasanay na rin siyang kasama si Sir K at masasabi niyang estrikto talaga ito pagdating sa trabaho ngunit kapag sila lang ay hindi na niya makilala kung ito ba ang kaniyang boss o hindi. Lage siya nitong pinaglalaruan nang mga salita at minsan pa ay tinatakot siya nito sa mga pagkatao ng kanilang mga customer.

“Excuse me, miss.” She was on her way to deliver a document to the Marketing Department when someone calls for attention. She stopped and looked up to this innocent looking man wearing glasses.

“Po?”

Nakasuot ito ng bomber na jacket at nakajeans. Mukhang ito palang ang una niyang pagpasok sa kompanya at nawawala.

“Gusto ko po sanang itanong kung saan ang Head Department? May appointment po kami ni Mr. K.” Nakakamot ito sa ulo na mukhang nahihiya.

“Sa 4th floor po, dumeritso ka lang sa kanan, may escalator don papuntang taas” she informed and watched the man passed her.

She grabbed an employee’s hand and gave her the documents she is holding. Sinabihan niya itong ibigay iyon sa Marketing Department at sinundan ang lalaki.

“Teka lang po sir” habol niya sa lalaki.

Tumigil naman ito at tiningnan siya.

“May private elevator po don, samahan na po kita sa HD at masabihan si Sir K na may bisita siya.” Ngitian niya ito at nag-iba ng direksyon papunta sa private elevator.

Sinundan naman siya ng lalaki hanggang sa nakapasok na sila sa elevator at pinindot ni Klygy ang number 4.

“Kaano ano niyo po ba si Sir K?” pagtatanong niya rito.

“P-Pinsan niya po ako. May gusto lang sabihin si Mama sakaniya kaya ako nalang ang pinapunta niya kasi nandito naman ako sa Cebu.”

Tumango naman siya at ngumiti. Wala ng nagsalita pa hanggang sa nakaramdam siya ng baril na itinusok sakaniyang tagiliran at hinawakan ng lalaking iyon ang kaniyang leeg mula sa likod.

“Don’t move,” pagbabanta nito sakaniya at sakto namang bumukas ang elevator at sinabihan siya nito na maglakad na.

The man stayed at her back, making her the hostage and shield. They walked through an empty hall that made the man confused.

Napangiti si Klygy at agad na inagaw ang baril na nakasaksak sakaniyang tagiliran at tinuhudan ito. Malakas na napaungol ang lalaki at napaluhod. Kinasa niya kaagad ang baril na naagaw niya at itinutok ito sa ulo nito.

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Where stories live. Discover now