A D V I C E

184 10 0
                                    

CHAPTER 36


SA NGAYON ay nakatingin lang si Klygy sa dalawang lalaking nagtititigan. Katabi niya si King at katabi naman ni Nima si KBum na nakaupo sa kabilang stool. Nakahanda na ang kanilang agahan sa pagitan nilang island at sa ngayon ay nagtititigan si King at KBum kung sino ang unang kakain.

Tumayo si King at lumapit sa lababo upang manghugas ng kamay. Bumalik ito sa pagkakaupo sa tabi ni Klygy at nagsimulang kumain. Napalingon si Klygy kay Nima upang tingnan kung anong reaksyon nito at mukhang nasurpresa. Tiningnan na naman niya si KBum na nakakunot ang noo habang pinapanood si King na walang pakialam kung pinanonood  nang kapatid.

Maya maya ay dumaing si KBum at tumayo sa kaniyang kinauupuan, lumapit rin sa lababo at naghugas ng kamay, bumalik sa kaniyang upuan at nagsimulang kumain na ikinagulat niya.

Nakapagtinginan sila ni Nima. Nagkakamay rin kaya si Nima? Gusto niyang magkamay ngayong nakita niya ang ginawa ng dalawa. Tumayo siya para maghugas nang kamay ngunit napatigil siya nang hinawakan ni King ang kaniyang kamay at napalingon rito.

“The food’s hot. Don’t use your hand” saad nito at hinila siya, “sit” utos niya kaya napaupo nalang siya sakaniyang kinauupuan.

Nilagyan ni King ng kutsara’t tinidor ang kaniyang plato at tiningnan siya. Napabuntong hininga siya nang mabasa ang ekspresyon nito, hinawakan na ang kutsara’t tinidor at nagsimulang kumain. Ganon din ang ginawa ni Nima at tahimik lang silang lahat na kumain.

Tumigil siya nang ilang segundo para tingnan si King. Naiinggit siya na nagkakamay ang dalawa na para bang kinakain nila ang pinakamasarap na pagkain kahit napakasimple lang ng kanilang agahan.

Klygy instructed Nima before, that she should only make a simple meal and here it is, they only got rice and fried chicken yet King and KBum eat it like in heaven. The two even mixed the soy sauce and ketchup together. They even added many chilies in their weird sauce.

“Ginagawa niyo pala yan?” biglang pagtatanong ni Nima na tinutukoy ang ginawa nilang sauce.

“Yeah” sagot ni KBum na ikinasurpresa ni Klygy dahil ngayon lang niya narinig na magsalita ng normal si KBum.

“Klam always got the weirdest food but has the best sauce and appetizers," muli nitong pagsasalita na halatang si Nima ang kinakausap.

“Do you know the gray one with little fishes and with not so awesome smell? It was gross but it taste good” dagdag pa nito.

“You mean yong ‘ginamos’?” ani ni Nima.

“Yeah yeah that one” sagot nito.

“Have you tasted the pink one?” biglang singit ni King.

“Was that actually an appetizer? I thought it was a spice” ani ni KBum at natigilan. Agad na kumunot ang noo habang nakatingin kay King, “f*ck” pagmumura nito at nagpatuloy sa pagkain.

Nilingunan ni King si Klygy.

“He hates communicating with me” ekplenasyon nito at muling sinubuan ang sarili.

Nagpatuloy rin siya sa pagkain hanggang sa natapos na sila nang hindi na muling nakipag-usap si KBum kay King.

MAGKASABAY na pumasok sa kompanya si Klygy at Sir K. Kahit hindi pa nasasanay si Klygy sa ganitong sitwasyon ay kailangan na talaga niyang masanay dahil isang buwan niyang makakasama si Sir K at alam niyang hindi niya ito makatatakasan.

Binuksan ni Sir K ang pintuan ng kanilang opisina at agad naman nagsitayuan ang K squad.

“Welcome back, boss” nakangiting bati ni Kujilo sakaniyang boss. “Welcome back rin, Ma’am Ky” dagdag pa nito.

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Where stories live. Discover now