L I K E A W I N D

137 6 0
                                    

CHAPTER 46

“What are you doing here?” Klygy asked Choco. She couldn’t believe that he went all the way and found her address but how? How could he?

She opened the gate to confront him but she got surprised upon his sudden embrace on her body.

“Sa wakas nahanap narin kita, Cheese. Salamat at okay ka lang,” ani nito.

She pulled him away and took steps backward, with a frown on her face.

“Paano mo ako nahanap?” she scowled, unable to believe that he found her in a wrong time.

“Pumasok muna tayo, Cheese. Giniginaw na ako eh” saad nito at naglakad na patungo sa pintuan ng kaniyang bahay.

Agad niya itong sinundan nang maalalang hindi nito maaaring makita ang nasa loob at hinarangan ang dadaanan nito.

“Dito tayo mag-usap” demanda niya.

“Let’s get inside please? I’m really tired and I’m thirsty”

Natigilan siya dahil sa ginawa nitong ekspresyon na alam niyang hindi niya maayawan. Ngumiti naman si Choco nang makita ang paglambot ng mukha ni Klygy at nilagpasan siya para pumasok nang bahay. Sinundan niya kaagad ito.

“Is there an event, Cheese? Anong meron dito?” pagtatanong ni Choco nang makita ang kaniyang sala.

She bit her lips, thinking of an idea to reason out. Buti nalang at wala ron si King at hindi ito nakita ni Choco.

“I… I’m just testing out? For an event in my workplace. I’ll get you water-
“Can I sleep over?”

Natigilan siya at gulat na nilingunan si Choco.

“What? No.”

He pouted, “May kasama ka ba sa bahay na ito? It’s already evening and the city’s far from here. It’s okay if I sleep in the sofa-

“No. hindi ka pwedeng matulog rito,” she demanded, annoyed all of a sudden. Hindi. Hindi pwede.

Gulat siyang tiningnan ni Choco at hinawakan ang kaniyang kamay.

“Galit ka ba sakin? Hindi ka ba nasurpresa sa pagdating ko? I’m sorry, baby.”

Inalis niya ang kaniyang pagkakahawak rito.

“Paano mo ako nahanap?”

“I saw your viral photos online and found out that you’re here. I am a computer science graduate and I hacked some files to find you—

“I will get you water and then you can leave,” ani niya at nagsimula nang pumunta sa kusina ngunit muli nitong hinila ang kaniyang kamay, hinawakan ang kaniyang ulo at mapusok siyang hinalikan.

She froze upon his sudden boldness and tried escaping from his grasp and pushed him hard.

“What the hell are you doing?!” she snapped, her memories of him being gentleman is gone.

“I thought we’re getting back, Cheese?” pagtatanong nito na gulat sa ginawa ni Klygy.

Natigilan siya at naalala ang nangyare sa hospital noong nakaraang buwan.

“You still love, right?” hinawakn nito ang kaniyang kamay, “I still love you, Cheese. Nakipag-break na ako kay Dwain kaya nandito ako para malaman kung ano na ang sagot mo sa sinabi mo. You still love me and I want us to be back. Wala nang makakahadlang sa’tin.”

This can’t be happening. She was taking back all she said and all she thought that time. She is now eating her own words and now regretting the fact that she has entangled her life with a man she suppose not.

“We will talk later. Now, look for a hotel to stay,” she answered, pushing him to go out, trying to calm down because he doesn’t want to hurt him with her fist.

“Pumara ka nang taxi sa labas at makakarating ka rin sa syudad,”

“Cheese…”

Nasa labas na sila ngayon at hinihila na niya si Choco palabas ng bahay hanggang sa labas ng gate.

“We will talk tomorrow,” ani nalang niya at binitawan na ito dahil nakalabas na sila sa gate.

“But you blocked my number,”

“I will unblock you later. I’ll send you the address where to go tomorrow.”

Tinitigan siya ni Choco.

“May itinatago ka ba sakin, Cheese?”

She tried not to get caught and remained cold.

“Sabi ko, mag-uusap tayo bukas.”

Tumawa ito at ginulo ang kaniyang buhok.

“You’re so cute. Hihintayin ko ang text mo bukas.”

Tumango lang siya at hinintay na makasakay ito nang taxi at makaalis.

Napabuntong hininga siya nang malakas at pinanood ang papalayong kotse.

I’m sorry, Choco.

Pumasok na siya sa gate patungong pintuan ng kaniyang bahay. Agad na pumasok sakaniyang isip si King kaya nagmadali siyang pumasok at napatigil nang makita itong bumababa sa hagdanan. Ngitian niya ito nong papalapit na ito.

“I am going to talk to him tomorrow and tell him the…” humina ang kaniyang boses at nawala ang ngiti sakaniyang mga labi dahil hindi ito nakatingin sakaniya, “…truth…” hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil…

Nilagpasan siya nito na para bang… isa lang siyang hangin…

“S-Sir…”

Pinanood lang niya itong lumabas na walang isang salitang binitawan. Hindi siya nakapagsalita.

Why…

Why does it hurt…

… in her chest?

The door closes and she was left standing alone in the middle of the rose petals scattered on the floor.

Bakit… Bakit mabigat sakaniyang kalooban na umalis siya nang ganon… bakit … bakit walang emosyon ang mga mata nito?

Naalala niya kaagad ang nangyare sakanila ni Choco at namilog ang kaniyang mga mata. Did he saw it? Did he saw Choco kissing her?

Tumakbo siya palabas upang habulin ito ngunit wala na siyang bultong nakita. Lumabas siya hanggang sa gate ngunit kahit sa kalsada ay wala siyang nakitang tao. Nakasakay na ba ito ng taxi?

Hindi niya alam pero… nasasaktan siya. Hindi niya alam. Hindi na niya alam dahil hindi man lang niya nagawang magpaliwanag at hindi man lang niya nasabi ang gusto niyang sabihin kanina.

She knows that it would hurt him to see Choco with her. She knows that she hurt him and she wants to explain! Nahulog ang kaniyang mga luha at napahawak sa bibig. Why? Why is she crying??

Napayakap siya sakaniyang katawan at pumasok upang tawagan ito. Agad niyang hinanap ang kaniyang bag na nabitawan niya kanina sa mga petals at kinuha ang kaniyang phone. She directly called his number and just heard something ringing inside her room. Agad siyang napatakbo rito at nakita ang smart phone ni King na nakalapag sakaniyang kama.

She saw her own face on the screen with the caller ID named ‘My Babe’. Napaupo siya sakaniyang kama at pinatay ang kaniyang tawag. Tuloy tuloy ang daloy ng kaniyang mga luha habang iniiisip kung gaano niya ito sinaktan kanina. It’s her fault. It’s hers.

“I’m sorry…”


***
ZS1 Ch. 46
phobiii_zz

K, The Stalker [Zendguge Series 1]Where stories live. Discover now