Chapter 152

949 80 8
                                    

Gabriella's POV

Katatapos ko lang maligo at namimili na ako ng maisususot ko ngayon para sa usapan naming lakad ni Herbie dahil Sunday ngayon sa hapon na papalubog na malapit ng lumubog ang araw, di ko alam kung paano agad agad na pumayag sina Mommy ng magpaalam ako ng lalabas kami ni Herbie ng gabi

"I have nothing to wear" nakasimangot kong naiinis na ani dahil di ako makapili ng susuotin ko kahit napakarami ng mga mamahalin kong mga damit

Inis akong napaupo sa higaan ko at nag-iisip kung ano ba talaga ang susuotin ko

'Saan ba kase kami pupunta?.... Di ko tuloy alam kung saan ko ibabagay ang susuotin ko'

Noon pa man sa tuwing may lakad kami na kami lang dalawa ay kapag nagtatanong ako kung saan kami pupunta ay sasabihin niya naman pero ngayon ay nagtataka ako kung bakit ayaw niyang sabihin

'Ano bang pa-uso tong naisip ni bakla ay may secret pang nalalaman'

Sa huli ay nagsuot na lang ako ng simple sexy white dress above the knee at flat sandal na color pitch, bago ako pumunta sa table ko dito sa kwarto ko para simulan ng magayos sa sarili. Simple lang ang make up na ginawa ko, yung magmumukha akong fresh

Nagspray na ako sa mukha ko at napakafresh nun sa pakiramdam bago ako nagplansya ng buhok na pinakulot ko pa ang dulo non

N/A: yung tinutukoy po dyan na spray, is yung spray po matapos mag-make up, di ba ang gulo ko? Basta yun na yun. Di ko po alam tawag don kase wala po talaga akong alam pagdating sa mga kagamitan sa pagmi-make-up. Kung alam niyo po yun, paki comment down below na lang po, lamat

Di pa man ako tapos mag-ayos sa sarili ay narinig ko na sa baba ang pamilyar na busina ng isang sasakyan na ikinakabog ng mabilis ng aking puso

'Shocks di pa ako ready!'

Nagmamadali na ako ngayong mag-ayos bago nagspray sa buhok para finishing touch at wisik ng pabango

Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng yapak ng mga paa papunta dito sa kwarto ko habang nagmamadali kong nilagay ang ibang mga make ups ko sa kulay cream kong pouch at iba ko pang mga gamit dito na lagi kong ginagamit. Di ko alam kung bakit ako natutuliro gayong normal na lakad lang naman, namin to

Napatakbo ako ng mabilis papalapit sa may pinto nitong kwarto sabay ayos sa sarili, rinig ko ang isang beses palang na pagkatok ng kung sino pero agad ko ng binuksan yun. Di naman halatang excited.

Naabutan kong nakaangat ang isang kamay ng maid namin dito, sa akma niya siguro iyong pagkatok, di ko alam ang pangalan niya sa dami ng maids namin

"Senyorita, nasa baba na po si Sir Her—————"

Di ko na sya pinatapos magsalita at lumabas na ng kwarto sabay sara doon "Thank you for informing me" ani ko sa kanya at napakamot na lang sya ng ulong tinanguan ako

Sinubukan ko pang wag bilisan ang paglalakad pababa para di ako magmukhang excited, dapat pakipot ako. Di ko alam kung bakit ganito ako kinakabahan ngayon habang pababa ako, parang kakaibang kaba ito, isang kaba na ang magiging kinalabasan ay kasiyahan

Ilang hakbang na lang at nasa ground floor na ako ng marinig ko ang boses nila Mommy, napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Herbie. Kung di mo sya kaharap ay aakalain mong lalaking lalaki ang nakakausap mo, yun nga lang kapag kaharap mo na ay nakaka turn of kase kahit may pagkalalaki sya kumilos ay di maiiwasang mas babae pa sya sakin minsan

Inayos ko muli ang sarili ko pati ang buhok ko, kinuha ko muna ang mirror ko sa bag at tinignan ang sarili kung nagulo ba ang fresh look make-up ko

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now