Chapter 199

796 32 11
                                    

Macy's POV

Sumasakit ang aking tiyan ngayon, sa dami yata ito ng akin nakain kanina lamang dahil sa pagdiriwang mula sa handog na kasalan. Hindi naman sa matakaw pero parang ganon na nga po.

(^_^)

Napapahawak ako sa aking tiyan. Nagmamadali ako ng lakad habang naghahanap kung nasaan ang palikuran rito.

Sa dami ng beses ko nang nakapunta dito sa palasyo ay hindi ko parin maiwasang maligaw sa lawak at laki ng lugar na ito. Ni hindi ko mabilang ang dami ng palikuran dito.

Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay gusto ko ng mailabas ang sama ng loob na ito.

Napuno ako ng malamig ko na pawis habang atras abante ako kung saan ba talaga ako papatungo.

Ibig ko sanang magtanong tanong ngunit pinangungunahan ako ng hiya kaya panay ang iwas ko sa mga tauhan ni Abla. Baka sila'y maghinala pa sa aking mga kinikilos at pag-isipan pa ako ng masama.

Abla ang tawag namin kay ate Krist na kung isasalin sa wikang tagalog ay iyon ang tawag sa mga nakakatandang babae o kapatid na babae. Ngunit, iyon ang tawag namin doon sa bahay ampunan dahil nais n'yang itago ang kan'yang pagkatao sa tulad naming mga tao na mababa ang katayuan sa buhay.

Ganoon kabait si abla para magpakumbaba pa at ituring kami na parang mga kapatid n'ya.

Hindi pa umaabot sa kalahati ang aking nalalaman tungkol kay abla dahil iyon sa sobrang pagkamisteryoso n'ya. Ang tanging alam ko lang ay napakamakapangyarihan at napakayaman n'yang tao.

Sa una ay hindi ko pa alam kung anong klaseng lugar itong napuntahan ko. Ni hindi ko alam na wala na pala ako sa Pilipinas. Ganon kabibilis at kamisteryoso akong kinupkop ni abla upang alagaan, palakihin at paaralin.

Napakawirdo o kakaiba sa lahat ang orphanage na aking tinutuluyan. Bukod sa pagsusulat at pagbabasa o kung ano-ano pang pampasunog ng utak, kailangan rin naming sumailalim sa isang pagsasanay.

Iyon ang kinakatakutan kong isang uri ng pagsasanay. Kung saan hindi mo mawawari kung ikaw ba ay mabubuhay o mababalian ng mga buto sa katawan ngunit ikaw ay masasalba.

Pero salamat sa Panginoon at buhay pa rin ako ngayon dahil si abla mismo ang nagsanay sa akin, iyon nga lang. Hindi ko inaasahang s'ya ang pinakastrikto kung magturo.

Kaunting pagkakamali, makakaranas ng parusa na kung saan s'ya mismo ang makakalaban mo. Ngunit, wala pa ni isa sa amin ang nakapagpatumba kay abla. Ganoon siya kagaling.

Nakakapangilabot.

Ang pagsasanay na ito ay mararanasan kung gaano katatapang at kalalakas ang mga taong naninirahan sa kakaibang orphanage na iyon.

Para kaming mga sundalong nageensayo parate. Ang oras ng paggising, pagkain, pagligo at iba pang mga personal na gawain, lahat ng iyon ay may talatakdaan.

Naranasan ko ng makahawak ng espada, pana, baril at iba pang mga armas na aming sinasanay.

Naranasan ko na ring makaramdam ng sakit sa katawan pero hindi naman ganoon kalala dahil aksidente ko lang nasasaktan o natatamaan ang sarili ko sa pagsasanay kaya pinapahinga naman ako ni abla.

Ganoon s'ya mapagintindi at mag-alala sa amin, sa dami naming naninirahan doon. Nagagawa n'ya kaming kumustahin at kausapin ng hindi nagpapakita ng kung ano mang kapangyarihan n'ya bilang napakataas na tao.

Nalaman ko lang na si abla mismo ang nagmamay-ari ng orphanage dahil sa aking kakulitan nung ako'y dalagita pa lamang. Aksidente akong napunta sa isang silid na pader ang pintuan, kung saan nag-uusap si abla at ang pinakamatandang puno ng mga tauhan dito na kung saan, naging kanang kamay n'ya, si Ahmet.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now