Chapter 176

773 40 19
                                    

Alex's POV

Pinilit kong ngumiti kay Zia bago tumingin sa kanila, ayaw kong sirain ang gabing ito dahil lang sa kadramahan ko

Nung araw na nagtanong si Zia kung sino si Jaspher ay di namin yun nasagot ng may tumawag nun bigka sa kanya kaya nagmamadi kami nung bumalik sa hospital

Kaya yun ang naisip kong gawing knock knock para naman kahit papaano ay may idea sya kung sino talaga si Jaspher sa buhay ko

Magsasalita na sana si Nickie para putulin ang awkward moment na to ng napahawak na naman si Zia sa ulo niya. Napapangiwi na para bang nakakaramdam na naman ng sakit dito kaya otomatikong naglakad papalapit ang dalawang body guards niya na nasa loob

'Lagi bang sumasakit ang ulo niya?'

"Hey. Zia are you sure you're ok? Kanina pa yata sumasakit ang ulo mo?" pagtatanong ko na lumapit rito

Napatingin sya sakin bago umayos ng upo at tipid ng tumango

"Baka inaabuso mo ang sarili mo sa sobrang pagtatrabaho kaya sumasakit ang ulo mo" ani Cindy

Bumuntong hininga lang sya "I think so...pagod lang siguro to.."

"You should have told us right away so you could have a rest kanina" ani Gab

Tinignan lang kami ni Zia bago muling bumuntong hininga "I'm fine.. I'll just get some water"

"Ako na" pagbubulontaryo ko na akma na sanang tatayo ng magsalita sya

"No" tipid nitong pagpigil sa akin, akala ko ay uutusan niya ang isa sa body guard niya pero nagkamali ako ng tumayo sya "Kaya ko na" dagdag pa nito bago kami napasunod ng tingin sa pagalis niya papuntang kusina

"Babe. Do you think she's ok?" ani Klyde kay Cindy sabay hapit sa bewang nito

"I... don't know, but i think somethings bothering her" komento ni Cindy

"Excuse me" paalam ko bago tumayo

"Where are you going?" rinig kong ani Dave pero kita kong pinigilan sya ni Calix sa pagtayo nito kaya sumunod na ako kay Zia dito sa kusina

Naabutan kong umiinom nga sya ng tubig pero pansin kong tulala sya sa kawalan at napatingin sakin sa pagpasok ko rito. Tipid ko syang nginitian na lumapit sa gawi niya para magkunwareng iinom rin ng tubig.

Bumili rin kase sila ng isang galon ng tubig para sa aming lahat na magkakasya ngayong isang araw

Akma na akong kukuha ng baso ng eksaktong tapos na syang gumamit sa baso niya na ibinaba iyon sa lababo, huhugasan niya na sana ito ng pigilan ko sya

Mabilis syang napatingin sakin ng aksidente kong mahawakan ang kamay niyang may hawak na baso. Ito na naman ang pakiramdam ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ang init ng kamay niya sakin habang nakatingin sa mata niya

Ito kase ang ipinagbabawal ni Dad kaya hindi ko maiwasang mabigla sa tuwing nasusuway ko iyon

Muntikan niya ng mabitawan ang baso ng kumawala sa aksidente kong paghawak at mabilis na dumistansya sakin. Hindi naman kami makikita nila mula rito sa kusina dahil nandito kami kung saan matatakpan kami ng pader rito

"Sorry" tipid ko pang paghingi ng tawad bago itinapan ang baso na nagamit niya na sa jar para kumuha ng tubig

"A-are you gonna use my gla------" di niya na natapos ang kanyang sasabihim ng matapos kaseng mapuno ng tubig ang baso ay uminom na ako doon kung saan rin sya uminom

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now