Chapter 173

763 42 6
                                    

Third Person's POV

Sabay silang apat na muling bumalik sa hospital. Di maiwasang pagtinginan silang apat lalo na ang pagbulungan si Zia sa mga kalalakihang mga nurse at mga lalaking mga doktor, pagusapan na tungkol sa nangyari kaninang umaga

Di ba sya yun? Tol yung type mong babae na palaban..

Oo tol, ayan na sya papalapit satin

Tol, halata ka masyado

Magpapakipot pa ba ako tol, eh mukhang masungit sya.. Tsaka paano ako makakagawa ng move kung kasama niya ang Anak ni Doc Williams at mga kaibagan nito?

Mukhang mahihirapan ka nga tol

Malaki ang mga ngiti ng kalalakihang naguusap, napahinto sa usapan ng papalapit na silang apat sa kanilang gawi ngunit nilampasan lamang sila

"Looks like there's a lot of guys here who have a crush on you, huh?" may tunog pagkasarkastikong ani Alex habang sabay silang apat na naglalakad, sinulyapan lang sya nito

"Who?" walang gana niyang ani

"Pshh. Them....Do I need to point them?" bahagya pang nakakunot ang nuo na ani Alex sa kanya kaya napataas naman ang pagkakakunot ng nuo ni Zia sa kanya habang nagpapalitan lang ng tingin sa kanilang dalawa sina Mike at Dave

"I'm not interested, Móguǐ" walang emosyon niyang ani bago binilisan ang paglakad

"Oiy! What's mogoy.. what? mogoyi? mean?" pahabol pang ani Alex sa kanya pero di sya nilingon nito at may ngisi sa kanyang labi habang pumapalayo sa kanila

Nung hapon na iyon, magmula ng humiwalay sa kanila si Zia ay di na nila ito nakita at nabalitaan na lang na umalis na raw ito pero nagpumilit pa silang kunin ang numero nito kay Xander

Sa una at ikalawa ay hindi pumayag si Xander lalo na't napakabigat na ng hinihingi nilang pabor para sa kaniya pero sa huli ganon na lang natuwa ang tatlo ng sa wakas ay binigay na rin ang numero nito

Nang makauwi sa kanya kanyang mansyon ay nagplano agad silang padalhan ng mensahe si Zia sa susunod nilang plano. Si Dave na ang gumawa nun

Matagal bago sya makatanggap ng mensahe mula kay Zia na umabot pa ng oras sa paghihintay kaya ganon na lang ang pagngiti ni Dave ng makita ang pangalan at numero nitong naka registered sa phone niya

Tinatanong kase niya kung kailan ang araw na libre sya. Di diretsahan ang mga sagot ni Zia na pinapaikot ikot pa ang usapan gamit sa mensahe. Hanggang sa muling ibinalik ni Dave ang topic na iyon, at sinabi ni Zia na sa kinabukasan ay libre sya

Walang sinayang na oras si Dave na kaagad nagpadala ng mensahe sa group chat nila, sinabi kung anong sagot ni Zia. Kaagad naman nagkanya kanyang react sila ng malaman ang balita ni Dave gamit ang emoji reaction

Sunod inaya ni Dave si Zia ang tungkol sa isang Pajama party ang naisip nila. Kung baga pinaplano nilang muling ibinalik kung ano ano ang mga nagaganap na kasiyahan noon, sa bahay ni Krist mismo ay nag pajama party sila noon

Nahirapan pang kumbinsihin ni Dave si Zia kaya humingi na sya ng tulong kay Alex sa pagpayag lang ni Zia. Silang dalawa na ang ka text ni Zia pero matigas itong mapapayag dahil marami syang dinadahilan.

"What am I going to do with these people?!" marahas na napabuga na hanging ani Zia bago napasandal sa kinauupuan

Mukhang nasagad na ang pasensya ni Zia kaya inis na lang itong pumayag na. Kahit sino kasing tao ay palaisipan at kataka taka kung may mag aaya sayo ng ganon klaseng party kahit hindi pa naman kayo gaanong magkakilala

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now