Chapter 161

827 61 5
                                    

Alex's POV

Tulala lang ako sa kawalan at nananatiling naka-upo sa sahig na nakasandal sa paharap na dulo ng kama ko, kanina pa naka-alis si Dave. Pansin ko ang pagbabago ng mood niya ng marinig ang mga sinabi ko, hindi ko lang sinali ang tungkol sa natagpuan kong gamit at baril sa kabinet ni Dad

Tulala lang ako sa labas ng bintana na nakatingin sa kalangitang papalubog na ang araw. Tulad dati, hindi kumakain magmula pa kaninang umaga, nagiiwan ng pagkain ang mga helpers namin dito sa kwarto ko pero hindi ko ginagalaw

Bigla ko tuloy naalala na naman si Jaspher, si Jaspher na nagagalit kapag may na-aaksaya na pagkain. Mapait akong napangiti. Marami akong natutunan mula sa kanya, magmula rin ng dumating sya sa buhay ko, natuto na akong muli magdasal araw araw, sya ang nakakapagbago ng lahat sa mabuting paraan, pero nawala ang lahat ng iyon ng mawala rin sya, or should I say nagtatago lang siya

Ilang sandali pa ay nabaling ang tingin ko sa portrait kong iniregalo niya sa akin, sa lahat ng binasag ko dito yun lang ang ligtas paring nakadisplay, ni hindi man lang nadumihan

Kinuha ko ang phone ko na basta na lang nakakalat sa sahig at basag na ang screen, di ko alam kung gumagana pa ito. Hinanap ko naman doon ang album ng gumagana pa ang phone ko.

Napangiti muli ako ng mapait habang nakatitig sa larawan naming dalawa, sa picture na to mukha pa syang napipilitang magselfie kaming dalawa dahil hindi rin sya sanay humarap pati na rin ang ngumiti sa kamera

Hinawakan ko ang pisngi niya sa litrato sa phone ko kasabay ng pagpatak muli ng luha ko sa screen ng phone ko

'All this time, pilit kong pinapaniwala ang sarili kong..... Wala ka na... pero ano tong nabalitaan kong lumalayo ka lang pala talaga?...'

'Bakit? Paano?.... Bakit at paano mo nagawa sa akin to?... Gusto mo na bang magkalayo tayo?... Akala ko ba hindi ka susuko? Akala ko ba.... hindi ka lalayo?.... Akala ko ba... mahal mo rin ako?.... O nabuhay lang ako sa maling akala?.... Marami nga sigurong namamatay sa maling akala...dahil ang totoo...'

'hindi mo na siguro kayang suklian pa ang nararamdaman kong to.... Kung ayaw mo sakin.... Sana man lang.. Nagpaalam ka ng maayos at hindi mo rin ako nagawang saktan ng ganito, sa paraang masasaktan ako ng matagalan... Pakasakit.... nagmukha akong tanga sa loob ng sampung taon!'

Inis kong pinunasan ang luha ko at napadiin ang hawak sa phone, parang di oras ko na naman itong mababato. Sumasakit ang ulo ko lalo dahil bukod sa wala akong kain, buong araw lang akong umiyak ng umiyak at namumugto na ang mga mata ko

'Hindi ko alam kung anong meron sayo at napakahirap mong kalimutan... Kung ayaw mo na, pwede naman akong humanap ng iba para ipagpalit ka... Pero bakit hindi ko magawa?... Ganito ba ang pakiramdam na.... Mahal parin kita?....

I'm longing for someone who doesn't want to see me anymore

Sa pagod ko na magdamag na lang akong ganito ay nakatulugan ko na lang ang pag-iyak na nakaupo parin sa sahig at ganon ang pwesto, wala akong ganong humiga pa sa kama
.
.
.
.
.

"Xander, No. please calm down and lower your voice... Hayaan mo muna ang anak mo...he need some space"

Naalipungatan ako sa boses ng may pagtatalo sa labas nitong kwarto ko, parang boses ni Mommy yun

"Space?! Julie, sobra sobra na ang pagpapasensya ko sa anak mo na yan! Halos patayin niya na ang sarili niya sa pagmumok dyan noon pa at bumalik pa ngayon! Ni hindi na sya pumapasok sa trabaho niya!... Kung nasasaktan sya na pakiramdam nya ay pinagmumukha natin syang tanga! Pwes mas nasasaktan din ako bilang Ama niya!... Hindi niya na iniisip ang sarili niya!"

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now