Epilogue

1.3K 42 18
                                    

A/N: Walang Prologue pero may Epilogue, Orayt.

__________________________________

Pieris' POV

I swear to God, when I come home..

Umaalingawngaw sa buong lugar ang malamig at masarap pakinggan ng mabagal na pagkantang iyon dito sa napakalaki at napakalawak na simbahan.

The time has come.

I'm gonna hold you so close..

Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng aking puso. Naghahalong kaba at saya habang naka abang sa labas ng malaking pinto nitong isa sa pinakamalaking templo ng Turkey.

Suot ko ang napakahaba at nakagandang pinaghalong kulay ginto, silver white at kulay pula na wedding gown, hindi mawawalan ng kulay pula sa suot sa tuwing ikakasal ang mga kagaya kong half Chinese. Habang hawak sa mga kamay ang nagkukumpulang mamahaling mga bulaklak na Juliet Roses.

The battle is over.

Naririnig ko ang bawat pag-ihip ng hangin na marahang dumadampi sa akin balat. Pakiramdam ko ay nasa paligid lamang ang aking mga magulang at mga ninuo, isama na rin si Mama na nanonood ngayon dahil sa pagdaan ng hangin na iyon.

I swear to God, when I come home...

I'll never let go..

Natatanaw ko ang nagsiliparang puting mga paru-paru. Nakikisabay sa paglipad sa seremonyas na magaganap.

The two of us will be together, forever.

Like a river, I flow.. to the ocean I know..

You pull me close, guiding me home...

Sa paglilibot ng paningin. Kasabay ng tuluyang pagbukas ng higanteng pintuan sa harap ko, ay ang diretsong pagtama ng paningin naming dalawa ni Alex.

Our hearts will combine.

And I need you to know that we're
Fallin' so fast,

we're fallin' like the stars...

fallin' in love...

At this moment, he will be mine.

Matapos akong titigan ng dahan dahan mula ulo hanggang paa, kasabay niyon ang muling pagtingin niya ng diretso sa aking mga mata at ang lumuluha niyang pagngiti sa akin.

And I'm not scared to say those words...

Daan daang tao ang magiging saksi ng pag-iisang dibdib ng pareho ng walang posisyon.

Hindi ako nagsisising nawala ang aking makapangyarihang trono. Sa paraang ito, magmamahal ako ng patas at buong puso.

With you I'm safe... we're fallin' like the stars...

Sa bawat paghakbang ko ng marahan, dala niyon ay kaligayahan.

we're fallin' in love..

Sa bawat ngiting aking masisilayan, ramdam ko doon ang kapayapaan.

Hindi ko akalaing kaya ko ng ngumiti sa mga oras na ito.

"Ang ganda niya!" hanggang dito ay kahit may kalayuan si Nickie sa gawi ko ay naririnig ko pa rin ang mala microphone niyang bunganga.

"Majesteleri o kadar muhteşem ki, yaşayan bir barbie bebeğine benziyor." (Our Majesty is so gorgeous, she looks like a living barbie doll)

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now