Chapter 179

712 46 1
                                    

Calix POV

Tahimik lang kaming nakasunod sa kanila. Si Alex naman ay parang batang tumahan na habang nakasunod sa likuran ni Zia pero hinaharangan ito ng mga guards niya. Ganon na lang nila protektahan si Zia

Naiisip ko na bukod sa walang kasing yaman si Zia ay posibleng maliban sa pagkamisteryoso niya ay napakataas at napakaimportante siguro niyang tao. Hindi ordinaryo. Kaya ganito na lang ang kaba ko na kanina ko pa nararamdaman sa kung saan nila kami dadalhin.

Ganon na lang ang pagtatanong ko sa isip, nagtataka kung bakit naabutan pa namin sya at sila Zia mismo ang lumapit sa amin. Di pa sila naka alis kaya nabuhayan bigla ng loob itong lokoloko, mala hokage moves ang yakap na yun. Pansin ko namang kaagad umiwas ng tingin si Dave nun na akma na sanang aalis pero inaya na kami ng mga guards ni Zia kaya sumama na rin ito

Ang kinagulat ko pa kanina ay bukod sa hindi na ako nakakaramdam ng kahit anong sakit o selos habang pinapanood si Alex na yakap si Zia kanina, kahit kamukha pa ito ni Krist ay nagumpisa na akong maghinala ng hayaan niya lang itong yakapin sya ni Alex, muntikan pa nga itong tutukan ng mga baril si Alex sa mga guards niya pero kaagad niya itong sinenyasan na huwag although alam kong nagulat rin sya sa nagawa ni Alex

'Asan ba kami papunta?'

Nasa labas parin kami kaya napakahangin dito at ang sarap suminghap ng preskong hangin rito. Napakalawak kase at payapa tignan ang paligid lalo na't papalayo kami sa kung saan naka landing ang mga eroplano

Lahat kami ay huminto na sa paglalakad sa di ko malamang dahilan. Ganon na lang ang pagkamangha ko ng may kaharap na kaming isang malaki at mahabang kulay itim na eroplano.

Napaawang ang mga labi namin sa pagkamangha habang napatulala sa lagi ng eroplanong iyon kumpara sa mga puting eroplano dito sa Airport.

"Why are you guys still standing over there?" sabay sabay kaming napalingon na napaangat ng tingin kay Zia ng nasa hagdanan na pala sya papasok sa eroplanong ito

"I-Ikaw ang may ari nito?" namamanghang ani Nickie

Tinignan niya naman ang panlabas nitong eroplano bago tumingin samin "Hindi. Nirenta ko lang 'to kaso nagsawa akong magrenta kaya binili ko na lang" aniya na mahihimigan ang pamimilosopo at pagkasarkastiko kahit halata namang sa kanya talaga ito

Sabay sabay kaming napalaglag ng panga ng marinig ang sunod niyang sinabi

"Why? You guys don't like it? How about ipahatid ko kayo ng tig iisang chopper?" pormal niya lang na ani, wala sa tono niya ang nagmamayabang na nagsusuhestiyon lang pero di ko parin maiwasang mayabangan lalo na dahil parang normal lang sa kanya na ihatid kami ng tig-iisa talagang choppers

'Ano to tig iisa kami ng sasakyang himpapawid para lang sumama sa kanya? Wow. Ano ba ang pera para sa kanya? Ginto o diamonds?'

Wala agad nakasagot sa amin. Lalo pa kaming parang naputulan ng dila sa sunod niyang suhestiyon "Ayaw niyo parin? Then how about tig iisa na lang kayong sasakyan ng... hmm how many are you here?" huminto pa sya bago kami binilang isa isa

"Ok.. how about twelve planes, kung gusto niyong mapag isa?" napamaang na lang kami sa suhestiyon niya

'S-Seryoso ba sya?...'

Isa isa niya kaming tinignan na napakamot ulo pa ng wala ni isa saming nakasagot at tulala sa kaniya "Ah... How about a yacht, tig iisa kayo if you don't—————"

"A-ah ayos na samin ito. Di na namin kailangan mag isa isa ng sakayan... Nakakahiya naman" pahina ng pahinang paghihinto ni Dave sa kanya na iniwasiwas pa ang mga kamay na napilitang ngumiti dahil parang sumakit rin siguro ang ulo niya ng isipin kung gaano karami ang pera ni Zia

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon