Chapter 193

801 39 5
                                    

Pieris' POV

Nagpapatuyo ako ng buhok gamit ang tuwalyang hawak ko.

Uupo na sana ako sa kama nang makarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa balkonahe.

Maingat akong tumayo ng walang ingay. Dumadaan sa kung saan hindi ako makakagawa ng sarili kong anino sa ilaw dito sa loob.

Paisa isang hakbang papalapit sa balkonahe. Kinuha ko ang balisong ko bago ko maingat na ibinaba ang tuwalyang hawak ko.

Nagtatago ako ngayon sa gilid nitong malaking sliding door nitong malaking balcony sa kwarto ko. May nakatakip iyong naglalakihang kulay itim at gintong kurtina.

Nararamdaman kong may magbabadyang pumasok dito. Eksaktong narinig ang pag-awtomatikong pagbukas ng pinto ay ang mabilis kong pagalis ng kurtina sabay tutok ang balisong na hawak ko sa may leeg n'ya.

Pareho kaming natigilan habang napatingin kami sa isa't isa. Nakaibaba ang tingin sakin habang nakatingala ako sa kan'ya at nakatutok ang kutsilyo na hawak ko.

Bumaba ang tingin n'ya sa balisong.

"Good evening, Baby" bati pa nito sakin.

Napaatras ako papasok muli sa kwarto nang humakbang s'ya papalapit bago ko naibaba ang hawak kong balisong.

"Ginagawa mo dito? Gabing gabing nagiging akyat bahay ka" kunot nuo kong tanong, may seryosong mukha.

"Pshh. Bakit nakakita ka na ba na akyat bahay nagnakaw sa umaga or hapon?" napataas ang pareho kong kilay, parang nilalamangan ang pagkapilosopo ko, 'di ako makapapayag.

"And could you please greet me back first?"

Talagang demanding n'ya pang ani dahilan para mapahalukipkip akong diretsong nakatingin sa Tukmol na 'to. May kalayuan ako sa kan'ya, baka mamaya kung ano na namang gawin n'ya, nakakaramdam na naman kase ako kakaibang kaba.

"Aba'y, t*ngina. Ikaw na nga 'tong trespassing na akyat bahay, ikaw pa itong demanding. Siraulo ka ba?" diretsahan kong ani na ikinatigil nito muli.

"You could just greet me good—————"

"Evening. Sige na, umalis ka na" ani ko matapos s'yang batiin na napahikab pa ako.

"Bakit palagi mo na lang akong tinataboy? And excuse me, I'm too handsome to an akyat bahay. Tomboy"

'Di ko alam kung anong gagawin kp sa lalaking 'to. Ang sarap hambalusin sa sobrang hangin.

"Anong drama na naman ba 'to?" tanong ko.

"Ikaw kase, ang sama mo sakin, wala naman akong ninakaw para tawagin mong akyat bahay"

"Tanga, meron kaya" mabilis kong pagpoprotesta.

"What?! Baby I'm not a f*cking thief" 'di nagpapatalo n'yang ani.

"Yes, you are"

"No, I'm not, wala akong ninakaw and hindi ako magnanakaw"

"Yes, you are"

"I said, I'm not. Sige nga anong ninakaw ko?!

"Yung puso ko! T*nginang 'yan" mabilis kong paghirit na salubong ang mga kilay ko.

Napakurap pa s'ya ngilang beses habang sinusuri siguro n'ya ang buong mukha ko, kung seyoso ba ako.

"That's a joke, don't be too serious"

"A f*cking joke?" pailalim akong tinignan na nakataas ang pagkakakunot ng nuo.

"Tss. Joke kase 'yon, Joke" pagpoprotesta ko.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora