Chapter 200

791 34 1
                                    

Alex's POV

We're swinging our hands as we slowly walking, talking and teasing each other. I'm enjoying a moment with her because I know we will soon leave this mysterious place and we will be apart again.

Kakatapos lang namin kumain pero tinakas ko na naman s'ya kanina para kami na lang dalawa muli at walang sagabal, ito ang isa sa pinakiusap ko kay Dad. Ang tulungan ako na makasama si Jaspher, alam ko kaseng wala akong kapangyarihan dito sa palasyo kaya paniguradong hinahabol na kami ngayon ng mga gwardya n'ya para mabawi siya kung wala si Dad na s'yang pumipigil sa kanila.

Hindi ko alam kung gaano kataas ang posisyon ni Dad dito para magawa n'yang pigilan ang mga gwardya pero gayon pa man, nagpapasalamat ako na s'ya ang naging Dad ko.

Even though I'm a hard headed Son, he's very understanding and supportive Dad. Kaya tumagal ang relasyon nila ni Mom. Sana ganon din kami ng babaeng kahawak kamay ko ngayon.

"Baby..." tawag ko dito na pinisil ng bahagya ang kamay.

Nilingon n'ya naman ako at binigyan ng nagtatanong na tingin. Nasa dugo n'ya na siguro ang pagiging tipid sa pagsasalita, kung hindi ako mag-uumpisang magsasalita o tanong tanungin s'ya ay hindi s'ya magsasalita.

"'Wag mo sanang mamasamain but... I'm just curious about the face of your parents... I wonder what they look like" nag-iingat ako sa mga sinasabi ko tungkol sa mga magulan n'ya dahil baka mamaya matagpuan ko ang sarili kong wala na ring ulo kapag may nasabi akong hindi n'ya magugustuhan.

Nahinto s'ya sa paglalakad kaya agad akong kinabahan. Sa pagkakaalam ko ayaw n'yang nasasama sa usapan ang mga magulang n'ya.

"Baby... Are you h-hungry?.. Let's go—————" pag-iiba ko pa matapos makita ang malamig n'yang mga mata at akma na sana s'yang hihilain papasok sa palasyo pero hindi na natuloy nang maramdaman kong hindi s'ya umalis sa pwesto at paglingon ko ay nakatingin lang s'ya sa akin.

"Do you want to see them?" I stunned for a moment by what she said.

"really?.. a-ahm.. I mean you can ignore what I've said earlier if it's forbidden.." nangangapa pa ako sa sasabihin ko sa maayos na paraan na napaiwas ng tingin.

Nalingo ko lang s'ya ulit ng walang pasabi n'ya akong hinila papalapit dahilan para muntikan ko na s'yang mabangga sa lakas n'ya.

Ngunit, eksaktong paghila n'ya ay sinalubong ako ng pagdampi n'ya ng labi sa pisngi ko at ikinagulat ko.

Imbes na makahinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi naman s'ya na disappoint sa sinabi ko ngunit parang sasabog na yata ang puso ko dahil ito ang unang beses na s'ya ang unang humalik sa akin. Palagi na lang kase akong nagnanakaw ng halik sa kan'ya.

'She kissed me... She kissed me first!'

Gulped.

Ilang segundo lang iyon bago nilayo ang mukha sa akin at tinignan ako.

Nagtitigan pa kami ng ilang saglit bago ko natagpuan ang sariling parang ewan na malaki ang pagkakangisi ngisi habang nilalabanan ang tingin n'ya.

'I did not expect that... F*ck. Nakakabakla!'

"Hoy" aniya.

Napakurap ako ng ilang beses na ngayon lang ako natauhan na kanina pa pala n'ya ako kinakausap pero para akong lumulutang pa rin sa buwan na hindi naalis ang pangisi ngisi sa labi.

"Hmm?" I said in a sweet voice, ganon ko na lang pinipigilan na lumaki pa ang pagkakangisi ko na tumugon sa pagtawag sa akin.

"Sabi ko tara" aniya na parang wala lang s'yang ginawa, normal lang ang walang emosyon n'yang mukha.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon