Chapter 159

809 67 2
                                    

Ranz's POV

Katatapos lang ng work ko bilang Modelo ng mga iba't ibang kompanyang kumukuha sa akin. Lumalakas kase ang bintahan ng mga produkto nila kapag mukha ko ang nakapaskil sa produkto nila. D*mn I'm so handsome mga bradd

But this work is very tiring. Smile here, smile there, pose here, pose there, capture here, picture there, stress everywhere.

I just sighed heavily, wala naman sigurong madaling trabaho, lahat pinaghihirapan. But the question is, why do I need to work even if we already have plenty of money?

Napipilitan lang talaga akong magtrabaho dahil sa parents ko, wala naman akong sariling pamilyang binubuhay and also wala rin akong balak magkaroon ng pamilya. Ewan ko ba, magmula nung iwan kami ni Krist.... Parang nawalan na ako ng gana sa buhay ko

"Bro!" nabigla pa ako sa pagkatulala sa kawalan

"Oh. What is it?" napakurap pa ako ng ilang beses na napatingin sa mga kasama kong mga modelo rin

May mga naging kaibigan din ako sa pagmomodelo, palagi kaming pumupunta ng bar para mambabae, tutal pare pareho naman kaming single

Iba ibang babae na ang nakakasama ko sa uwian na nauuwi sa hotel kung minsan pero ni isa sa mga babaeng yun ay wala akong sineseryoso, pagkatapos ng kung anong mangyayari ay iiwan ko na sila agad sa hotel. Call me jerk but, di ako nagsiseryoso dahil natatakot akong masaktan muli ako

"Why are you always dazed out?" pagrereklamo pa ng isa kong kasamahan, tatlo kase kami ngayon

"We've been calling you many times, pero parang daig mo pa ang high sa pagkakalutang mo, Bro are you on drugs or something?" sinamaan ko ng tingin ang tumawag sakin kanina sa pagkatulala ko dahilan para tumawa silang dalawa, pinagtitripan na naman ako

Nginiwian ko sila "Bro, I'm just addicted to cigarettes not on drugs, so I'm more sensible than you guys" ani ko sabay ngisi

Umugong naman ang mga reaksyon nila para bang kunwari pa silang nabigla "And alcohol also, bro" dagdag nitong ikalawang kasama ko

Hindi ko kase alam ang pangalan nila pero kilala ko sila, sa dami kase ng mga nakaclose ko na mga models ay di ko na inaalam ang mga pangalan kaya puro bro na lang ang tawagan

"Pareho lang yun na bisyo kaya wag mong sabihing matino ka pa kaysa samin" ganting pangaasar nitong una kong kasama at natatawa naman sa amin itong ikalawang kasama ko

"Whatever" napairap ako sa kawalan na ikinatawa na nila ulit

"Bro, kulang na lang talaga pagkakamalan ka naming bakla kung di ka lang namin nakikitang takaw sa babae" natatawang ani ng ikalawa

"Would you guys please stop? It's not funny anymore" seryoso ko ng ani, kahit totoong babaero ako, di ko alam kung bakit naiinis ako sa tuwing sasabihan akong matakaw sa babae

Tumigil naman din sila pero may kaunti pang pagpigil ng pagngisi sila "O, sya sya, mabuti pa mag-order pa tayo ng drinks, kasama na rin girls syempre!" excited na ani ng ika-una

Kailangan din naming lakasan ang boses namin sa lakas ng music dito kaya wala rin siguro makakarinig ng pagka-excited niya

Mayamaya pa ay nagkakatuwaan at nag-aasaran na kami ng dumating ang in-order naming drinks and girls tulad nga ng sabi ng kasama ko, pero iba parin talaga kapag kasama ko ang tunay at matagal ko ng mga kaibigan, yun nga lang nagpapakababad sila ng kasipagan nila sa trabaho, isang malaking milagro talaga

Kung dati ay kasama ko sila sa panay ditch sa class, ngayon naman ako na lang siguro mag-isa ang lokoloko parin, si Klyde kase mukhang may Cindy na kaya nahiya ang mga anghel sa langit sa kasipagan at kabaitan niya, di na sya namba-babae magmula nung pumayag si Cindy daw na mag-date daw kuno sila

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin