Chapter 205

718 28 0
                                    

Alex's POV

"Ahm... Why the f*ck do I need to wear this?" my forehead furrowed as I stared at the boxing gloves that Jaspher was wearing on me.

"Ano sa tingin mo?" normal niya lang na sabi, binalik ang tanong.

"Oiy. May kasalanan ka pa sa'kin so answer the d*mn question properly, Your Majesty" ani ko ng may halong sarkastiko sa tono dahilan para mangunot rin ang nuo niya.

"Anong tawag mo sa'kin?" tanong niya na pagpapaulit sa sasabihin ko.

'Talagang 'di niya sasagutin ang tanong ko?'

"Why?... What's wrong? Didn't you like it? How would you like me to address you, then?.... Your Majesty?" ani ko na hindi napigilang asarin pa s'ya lalo. Hindi pa rin kami bati.

Halos walang kurap niya akong titigan sa walang emosyong mukha bago napahalukipkip ang mga braso kasabay ng pagtabingi ng ulo.

Mukhang, hindi niya nagugustuhan ang tawag ko sa kan'ya ngayon kaya medyo nakakaramdam ako ng kaunting kaba lalo na't nandito si Dad at Ahmet na nanonood lang sa amin.

"Sinusubukan mo ba ako lalaki?" hindi nagpapatalo niyang ani.

"What if I say yes? What will you do, Tomboy?" paghahamon ko pa na lumakad papalapit sa kan'ya, pinapakitang hindi ako natatakot.

Nananatili lang s'ya sa pwesto niya at hindi nagpapatinag kaya pinantayan ko ang mukha niya. Sa lapit ay naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.

"You'll know it later" walang emosyon niyang ani bago ako tinalikuran na.

'Aba't talagang ang tigas ng mukha... Hindi talaga marunong lumambing! Kainis!'

Naririto kase kami sa teritoryo ni Jaspher. Kung saan ay naririto kami ngayon sa gym nitong lugar na ito. Ang lawak, kahit marami rami ang gamit ay nage-echo pa rin ang boses namin. And honestly, I don't know what the f*ck are we doing here.

"Xander" tawag niya kay Dad na parang ka edad lang.

'Pshh. Wala talagang modo'

Sa isang senyas ni Jaspher gamit langang tingin ay kaagad ng kumilos si Dad na ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin.

Hinawakan ni Dad ang punching bag na nasa harap ko.

Napapangiwi akong nagpalitan ang tingin kay Dad at sa punching bag bago nilingon si Jaspher. Kampante siyang nakaupo sa isang single sofa, diretso ang tingin sa akin habang hinahalo ang tsaa sa tasang hawak niya.

'What the f*ck is this? Training?'

"Son" pagtawag atensyon sa akin ni Dad na kanina pa nakaposisyon sa pagkakahawak sa punching bag.

Sinenyasan niya akong sumunton doon.

"Magpakitang gilas ka sa mapapangasawa mo kung ayaw mong ikaw ang masuntok niyan" Dad said causing my forehead creased.

"Pshh. 'di ako takot" palaban ko pang sabi, pero hindi makatingin sa gawi ni Jaspher. Alam kong malakas pandinig niya kaya hininaan ko na kaming dalawa lang ni Dad ang makakarinig.

Dad smirked at me while looking at me teasingly.

"What kind of look is that?" Napapangiwi kong tanong.

"I'll ask you the same question. What kind of look is that? You look lying... Coz it seems that... under ka sa kan'ya?" diretsahang ani Dad, parang ka-ugali niya pa si Jaspher kaysa sakin.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon