Chapter 194

738 43 4
                                    

Pieris' POV

Naimulat ko ang aking mga mata mula sa pagkakatulog. May nararamdaman akong mainit na hininga sa may leeg ko at parang may nakayakap sakin na isang katawan na parang tuko.

Ikinusot ko pa ang mga mata ko na napatingin agad sa ibaba ko. Hindi naman ako nabigla ng nakita kong, nakasuksok ang ulo ni Tukmol sa may pagitan ng dibdib at leeg ko habang nakakulong ako ng mga braso n'ya. Pati paa at hita nakapayakap rin sa akin na parang bata, parang ayaw kumawala. Binalewala ko lang ang timbang n'ya.

Wala sa sarili akong napahawak sa buhok n'ya at sinusuklay iyon gamit ang mga daliri ng marahan.

Marahan akong pumaibaba sa pagkakahiga upang makapantay ko ang mukha n'ya, naging dahilan para naramdaman ko ang mainit niyang hininga habang patuloy ako sa pagsuklay ng buhok n'ya.

'Sana... ganito na lang tayo... palagi'

Tinitignan ko ang bawat bahagi ng kan'yang mukha.

'Sana... Katulad na lang kita... isang ordinaryong tao'

Mula sa may kapakalang kilay niya bumaba ang tingin ko sa pilik mata n'ya na nakapikit ang mga matang may kalaliman ng kaunti, lalong nakakapagbigay magandang awra ang mga mata n'ya, lalo na sa tuwing mangungunot ang nuo n'ya.

'Para... wala akong isang malalim na dahilan kung bakit... kita iniiwasan'

Bumaba pa lalo ang tingin ko sa pisngi niya at wala sa sariling dumausdos paibaba ang kamay ko sa kaniyang pisngi.

'Kung anong layo ko.... S'ya rin ang paglapit mo.. Kung anong iwas ko... S'ya rin ang pagsulpot mo... Kaya siguro... napabigay ako ng ganito...'

Nabaling ang tingin ko sa halos perpekto ng hugis sa tangos ng ilong n'ya. Wala na naman ako sa wisyong napindot ng mahina ang tuktok ng ilong n'ya.

'dahil, hindi ka sumuko.... Salamat'

Nabaling paibaba ang tingin ko na napunta sa labi n'ya. Sa hindi inaasahan, sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.

Halos gusto kong mahiya dahil parang mas uhaw na uhaw pa ako sa mga halik n'ya, alam kong nagugulat din s'ya pero ganon pa man ay lumalamang s'ya sa pakikipaglabanan ng aming labi, hindi ako pinakawalan.

Ganon na lang din ang pagkamangha ko dahil ginawa n'ya ang pinangako n'ya. Halik lang at wala ng mas hihigit pa doon ang nangyari kagabi, pilit n'yang sinasabing gagawin n'ya sakin ang bagay na iyon kung napakasalan n'ya na ako. Advance mag-isip di ba?

Gumuhit ang daliri ko na gumapang papunta sa labi n'yang hinawakan iyon habang nakatingin doon.

'Hindi mo alam kung paano ako nabaliw kagabi at nadala sa halik pa lang na iyon... Muntikan nang... may mangyari'

Natigilan ako at mabilis tumibok sa bilis ang puso ko ng maramdaman ko ang kamay n'ya sa likod ko ay gumalaw iyon dahilan para kaagad akong napatingin sa mga mata n'ya pero ganon na lang ang gulat ko ng makitang gising na pala s'ya at mukhang pinapanood lang ako.

Mabilis kong nailayo ang kamay ko sa labi n'ya at mabilis ring napaiwas ng tingin pero 'di pa man ito nakakalayo ng huliin n'ya agad ang kamay ko na iyon kaya muli akong napatingin sa mga mata n'ya.

Sa pagkakahawak n'ya sa kamay ko ay isinabit niya ang braso ko sa leeg niya na payakap sa kan'ya.

"Good morning, Baby" pagbati n'ya sa akin na malalim lalo ang boses at may kapausan pa habang nakatingin sa mga mata ko.

Natigilan akong saglit napatitig sa kan'ya. Hindi alam ang sasabihin at naituptop lang ang bibig ko, nakakahiya kase at baka isipin n'yang, pinagsasamantalahan ko s'ya kanina!

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now