Chapter 195

704 39 7
                                    

Alex's POV

It's morning and katatapos ko lang maligo.

I was busy drying my hair when someone knocked the door here in my room. Nabaling ang tingin ko doon at napahinto sa ginagawa.

Naglakad ako papalapit sa pinto bago binuksan iyon.

Bumungad sa akin ang presensya nilang lahat at nangunguna si Calix sa harap ko.

"We need to talk" ani Calix.

Saglit pa akong napatitig dito sa pagtataka. Paano ba naman completo silang lahat. Mukhang silang may bumabagabag sa kanila, dahilan para makaramdam ako ng hindi maganda.

"Ahm... Why are you... guys here?.." taka kong sabi habang isa isa silang tinignan.

Hindi nila ako sinagot. Sa halip ay bahagya pa akong tinulak ni Mike papasok muli sa kwarto lahat na sila ay nakapasok na dito sa loob bago sinarado at ni-lock ang pinto.

Magrereklamo pa sana ako pero sapilitan nila akong pinaupo sa kama. Ang ilan sa kanila ay sinarado ang mga bintana't kurtina dito.

"What the f*ck is going on? You guys are acting weird..." kunot nuo ko pang ani.

Akma pa akong tatayo ulit ng sapilitan akong pinaupo muli nila Klyde at Mike dahilan para samaan ko sila ng tingin.

"Alex... didiretsuhin ka na namin..." natutuliro pang ani Calix muli na lalong ikinagulo at ikinakaba ko. Parang hindi ko magugustuhan ang kung ano man ang sasabihin n'ya.

"What?" nakukuryoso ako bigla gayon pa man, pinapangunahan ako ng kaba.

Humugot pa s'ya ng hininga.

"Umalis na tayo dito" aniya.

Napatitig ako saglit sa kan'ya. Inaabsorb pa ng utak ko kung anong sinabi n'ya, saglit ko yata s'yang hindi naintindihan.

"What the f*ck?! You mean right now?! Are you guys insane?... What makes you think that we need to leave this f*cking place?!" hindi ko agad napigilang mainis.

Kung kailan kase mukhang maayos na kami ni Jaspher na kahit may kalabuan pa... saka pa may panibagong masamang balita ang maririnig ko.

"No not now. I mean... we need to plan it first how to escape this place... We need to leave secretly" ani naman ni Herbie.

"WHAT?!——————"

"Shh/Shh/Shh" sabay sabay nilang pagbabawal sa akin.

"D*mn dude. Could you please lower your freaking voice?" reklamo pa ni Klyde.

"Pshh. And could you please.. tell me.. what the f*ck is going on? Daig n'yo pa ang naka shabu, akala ko ba didiretsuhin n'yo na ako?" reklamo ko naman. Hindi nagpapatalo.

Sabay sabay pa silang napabuntong hininga.

"Alex... we already know na... nagiging malapit na kayo ni Zia" hindi ko inaasahan ang sinabi ni Dave dahilan para matigilan akong saglit na napatitig sa kan'ya.

"And so?.. What's the problem with that?" hindi nagpapaapekto kong sabi before I crossed my arms.

"Alex... you don't get it... Hindi pa natin kilala si Zia.. Hindi pa natin s'ya kilala para pumayag s'yang pumunta tayo dito basta basta sa ganitong uri ng lugar... This place is... is.." tuloy tuloy na ani Calix na halos maubusan ng hininga sa kakamadali magsalita.

"What?" lalong nangunot ang nuo kong napatanong.

Humugot pa s'ya ng malalim na hininga.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon