Chapter 191

742 34 1
                                    

Mike's POV

Naglalakad lakad ako dito. Tumanggi ako na may mga servants ang palaging bumubuntot sa akin.

Nakapamulsa lang akong naglalakad habang nililibot ang paningin sa magandang kapaligiran dito. Puro puno't halaman at iba't ibang klase ng bulaklak. May nakakalat ring puting mga paru-paru, hindi naman sagabal dahil weird man pakinggan ay parang pati ang mga butterflies siguro dito ay naka trained din sa di ko malamang dahilan. Nawiwirduhan na rin ako sa pinag-iisip ko.

Lumalanghap ako ng samyo ng hangin nang napadaan ang preskong pakiramdam na hangin at nililipad ang ilang hibla ng buhok ko.

May kainitan ang panahon ngayon dahil sa buwan ngayon dito sa Turkey pero presko pa rin sa pakiramdam dahil marami namang mga puno dito para magbigay lalo ng hangin.

Di siguro magsasawa ang mga taong naninirahan dito sa ganda ng lugar na 'to.

Natigil ako sa paglalakad at bahagyang nagulat dahil kung di ako nagkakamali. Tunog ng baril 'yong narinig ko.

Mabilis kong nilibot muli ang aking paningin, sinusubukang hanapin kung saan nanggagaling ang putok ng baril na iyon. Nababahala ako dahil baka may panibago na namang nakakagulat na scene dito mamaya at baka may matamaan pa samin ng bala.

Mula sa putok ng baril ay nasisiguro kong may kalapitan ang distansya ko mula sa bumabaril.

Hindi lang isang beses ang pagputok nun kundi marami rami na!

Lakad takbo ako dito na parang tanga na naghahanap kung saan nanggagaling 'yon.

Bahagya na akong hinihingal nang huminto ako sa paglalakad takbo nang makita ko kung sino ang may pasimuno nung mga putok ng baril.

Medyo nakatalikod s'ya sa gawi ko pero sa bitbit n'ya pa lang malaking baril ay nakikilala ko na s'ya.

Si Wynn.

Nakamilitary uniform sya sa pang-itaas n'ya habang mahabang palda ang pang ibaba n'ya at itim na boots. Hindi naman baduy tignan dahil mukhang nakadress s'ya na sobrang haba pati ang sleeves pero pang military ang disenyo.

'Hindi ba naiinitan ang mga tao dito sa mga suot nila? Palaging balot na balot.. Sa bagay di naman ganon ka init dito'

Dalawang kamay ang pagkakahawak n'ya sa baril habang inaasinta ang isang shooting target na halos tadtad na ng bala ang pinaka gitna nito.

Habang umaasinta at pabigla bigla swabe nitong ipuputok iyon ay iba't ibang posisyon ang ginagawa n'ya matamaan lang ng gitnang bahaging iyon.

Di ko namamalayang napaupo na pala ako sa isang tabi habang pinapanood s'ya. I can't believe na meron akong makikitang ganitong babae na ganito kahilig sa mga baril.

Ganon na lang kabilis ang mga kamay n'ya dahil di ko namalayang ibang uri na pala ng baril ang hawak nito at may hawak na s'yang dalawang baril sa magkabilaang kamay habang diretso itong inasinta ang shooting target.

Double handgun ang hawak n'ya ngayon. Sunod sunod at mabibilis na walang awang tinira ang shooting target hanggat hindi nawawasak ang gitna nito.

Ni hindi man lang nagsusuot ng safety gear at mukhang sanay na sanay na s'ya sa ingay at barilan nang ganito ka swabeng umasinta. Di ko tuloy maiwasang humanga.

Patuloy lang ako sa tahimik na panonood sa kan'ya, tutal ay kami lang namang dalawa ang nandito. Dahil siguro mga sound proof ang bawat kwarto sa palasyo ay walang masyadong nakakarinig ng mga putok ng baril n'ya o sadyang sanay na talaga ang mga tao dito at normal na lang sa kanila ito.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon