Chapter 181

774 38 0
                                    

Alex's POV

Hinatid kami isa isa ng mga babae kanina at ngayon mag isa ako dito sa napakalaking kwarto parang higit sa sampu ang pwede ng manirahan na tao dito sa sobrang laki.

Every part of the room was full of gold antiques. Tulad ng unang pagtungtong namin kanina, maski ako ay di ko maiwasang magulat sa pagkamangha.

Expensive vases, antiques, gold bars, oversized curtains with expensive fabrics and a f*cking long carpets are everywhere in this palace. Full of carpets, meron nga rin akong nakita na isang carpet na may kakaibang disenyo pero makikita ko ang iba't ibang uri ng paru-paru, naka frame pa iyon at naka display sa mataas at gitnang bahagi nitong palasyo kanina.

Punong puno ng bantay ang bawat sulok ng lugar, hindi ko mabilang kung ilan. Sa bagay kung ang bawat sulok ng lugar na ito ay pwede ng mabenta sa malaking halaga sinong hindi hihigpit ang pagbabantay?

'Mga mamahaling gamit lang ba ang mismong binabantayan dito o may ibang dahilan kung bakit ganito ka rami ang mga guards na nakita ko kanina?'

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwalang makakatungtong mismo ang mga paa ko sa ibang klaseng lugar na ito.

'Bakit dito kami pinadala ni Zia? And where the f*ck is she?'

Sa pagkamangha ko ay dito sa kwarto na parang isang probinsyano na napunta sa ganitong klaseng lugar ay di ko namalayang may pumasok palang talong babae, kapareho sa suot ng mga naghatid sa amin kanina ngunit ang babae na nasa gitna ay kulay puti lahat ang suot mula ulo hanggang paa.

Hindi ko rin alam kung saan nila hinatid ang mga kasama't kaibigan ko

Napatingin lang ako sa kanila ng sabay sabay silang yumuko sa akin. Para silang mga royal maids dahil kailangan pa nilang yumuko upang batiin ako at ngitian.

Dahil sa di naman ako marunong magsalita ng lengwahe nila ay tinanguan ko na lang sila.

Kumuha ang isang babae na nasa gitna ng isang phone at may sinabi sya doon na lengwahe nila, translator siguro iyon bago niya hinarap sa akin ang phone

Here's your clothes that you can wear and personal items that you can use

Yan ang nabasa ko sa phone, napatingin ako sa paglahad ng kamay niya at nakita ang dalawa niya pang kasama ay may maingat na inilapag sa Queen size bed dito.

Nakatupi ng maayos ang mga damit at mukhang bago pa. May kasama pa iyong black leather toilet bag na may kalakihan ng kaunti, yun siguro ang pang personal na gamit.

Tumango lang ako sabay sabing "Ahm... Thanks" nagigipit na ako ngayon ng salita dahil hanggang ngayon di parin ako makapaniwala

Di ko alam pero hindi naman sila mukhang masamang tao lalo na sa pagngiti nila sa amin na para bang isa kaming mga matataas na tao. Sabay sabay pa silang yumuko at may sinabi na naman ang babae, kahit di ko naintindihan ay halata na magalang syang nagpapaalam.

Tumango na lang ako muli kahit di naintindihan ang pinagsasabi nila bago sila tuluyang lumabas dito sa kwarto.

Kinuha ko ang phone ko saka sinubukang tawagan ang mga kasama ko pero ganon na lang ang pagkakakunot ng nuo ko ng walang signal ito, as in wala maski isang guhit man lang.

'How on Earth?... '

I blew a heaved sigh of disappointment bago naglakad at naupo sa higaan, nilibot na lang muli ang paningin

'What kind of place is this?'

I noticed earlier that people here are like an ancient people from the past because of their, I don't know what kind of clothes or costumes they are wearing. They are like a medieval or renaissance royal servants but their clothes looks more modern.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon