Chapter 185

737 39 6
                                    

Calix's POV

Kaming lahat ay nabigla na napatingin sa kung saan. May nagsisisigaw na lalaki habang may hawak na babaeng hostage.

Ang hawak nitong babae ay may kulay puti ang mga mata. Isa yata itong bulag, gayon pa man ay kahit nakatutok na sa kanya ang kutsilyo ay mukha parin syang kalmado at nakatingin kung saan sa kulay puti niyang mga mata.

Di naiiba ang suot nito sa mga servants na babae sa palasyo pero may magandang disenyo na kulay ginto sa suot niya na ipinagkaiba niya.

Sa lahat yata ng nahohostage siya lang ang walang pakialam kahit may nakatutok ng kutsilyo sa bandang leeg niya.

'Sa bagay mukhang di naman niya ito nakikita, pero bakit di man siya makiramdam?! Normal naman sigurong magpanic at matakot kahit man lang kaunti di ba?... Nakakabaliw talaga ang mga tao dito'

"What should we do now?!" natatarantang ani Dave kay Zia, mukhang mas kinakabahan pa kaysa sa babae.

Bumuntong hininga lang si Zia habang nakatingin sa gawi ng lalakimg may hawak na kutsilyo.

"Chillax" natigil kami sa tugon ni Zia.

"What the f*ck?" kunot nuong napangiwi si Alex sa kanya.

Bigla ko tuloy naalala si Krist na naman kay Zia. Yun din kase ang linya niya nung nangingisay si Ranz nung gabing may tama ito ng bala ng baril na may lason mula sa tauhan ni LIVE.

Sinulyapan lang siya ni Zia bago binaling ang tingin sa mga bata na mukhang kalmado lang din ang mga 'to! Ni hindi man lang natakot na nakakakita sila ng ganito.

"Let's go?" nakangiti pang pag aaya ni Zia sa mga bata. Masigla naman tignan ang mga ba na sabay sabay sumang ayon sa kanila. Bago tumalikod si Zia para aalis na at nagsi-sunuran naman ang mga bata sa kaniya, ganun din ang iba pa niyang kasamahan.

(o_0!)

'Seriously?! Di ba nila tutulungan yung babae?!'

"HOY! SAN KAYO PUPUNTA?! BUMALIK KAYO DITO!" nabigla pa kami sa pagsigaw ng lalaki, di naman kami nabigla na nagtatagalog siya dahil mukha naman siyang Pilipino.

Nilingon lang siya ni Zia pati ang mga bata "Good luck to you bro" lalo pa kaming naguluhan sa sinabi ni Zia sa lalaki sabay ngisi dito.

"PINAGSASABI MO DIYAN?! GOOD LUCK DIN SAYO DAHIL DI NIYO KO KILALA! MAGSISISI KAYO AT NAGAWA NIYO SAKIN 'TO! MGA HAYOP KAYO!" Buong sigaw ng lalaki sabay turo sa mga pasa niya sa mukha at iba pang mga sugat niya.

'Wait.. Why his voice sounds familiar to me?... Bakit parang... Kaboses niya yung sumigaw na lalaki sa palasyo?'

Umangat pa ang gilid ng labi ni Zia habang nakatingin sa kaniya "Let the show begin" pabulong na ani Zia.

"ANO?! SUMAGOT KA! NADUDUWAG NA———————" Ganon na lang ang gulat namin na halos lumuwa na ang mga mata namin dahil ganon kabilis kumilos ang babae.

Kinuha niya lang naman ang braso ng lalaki kung saan may hawak na kutsilyo at mabilis nitong inikot ang braso ng lalaki hanggang sa likod ang pagkaka-ikot nito dahilan para mabitawan nito ang kutsilyo na hawak at maghuhumiyaw sa sakit.

Sa pagkakapalupot ng braso niya na nabali na ata dahil parang nag-iba na ang direksyon ng siko nito, tunog na tunog ang pagkakabali ng buto ay manglalaban pa sana ang lalaki ng isang malakas na sipa ang natanggap niya sa babae sa mukha. Kita ko ang unti unting pag agos ng dugo sa ilong nito.

Naistatwa kami sa kinatatayuan, habang ako ay parang nakakaramdam na ng takot mismo sa babae at hindi sa lalaki. Para kase siyang bulag na killer, malakas ang pakiramdam.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now