Chapter 156

849 75 22
                                    

Third Person's POV

Nasa Airport ang pamilyang Williams dahil sa pag-alis na ng mga magulang ni Alex para sa trabaho ng mga ito, nandoon din si Nay at driver nila.

Nagyakapan sila para sa pagpapaalam kahit hindi naman magtatagal ang mga magulang nito sa ibang bansa

"Mag-iingat kayo doon ha, Julie" naluluhang ani Nay sa Ina ni Alex na para bang ito na ang huling pagkikita nila na ganon din ang ina ni Alex

"What the—————what was the sudden drama for?" Alex said while his forhead creased

Lumabi pa ang Ina niya sa kanya samantalang hinampas naman siya ni Nay sa braso kaya natawa na lang ng bahagya si Alex sa kanila "Natural, aalis ang mga magulang mo, ikaw pa man din ang anak nila pero parang wala ka lang" ani Nay na pinagsasabihan si Alex

"But Nay, this is not the first time that they left here in the Philippines. They usually flew to other countries for the sudden emergency in their work, remember?" pakikipagtalo pa ni Alex sa nanny niya na mayordoma rin sa kanilang mansyon

Nginiwian siya ni Nay "Hay nakung bata ka" aakma na sana niyang babatukan si Alex pero mabilis itong lumayo ng bahagya kaya nagtawanan na lang sila

Natural na kase sa kanilang dalawa yun nina Nay at Alex dahil si Nay rin ang tumayong magulang habang busy sa trabaho ang mga magulang nito, may katandaan na rin si Nay kaya hindi malayong magreresign na rin ito sa trabaho niya

"Oh, sya, sya, kami ay papatungo na. Ingat kayo sa pag-uwi ah" maya't maya pa ay ani ng Ama ni Alex kaya napatingin sila dito "lalo na sa pagmamaneho" baling ni Xander sa driver at ngumiti naman itong tumango

"Opo, sir Xander" tugon ng driver

"Kayo rin Dad, Mom... Be safe always, goodluck" ani Alex

Matapos ang mainit na pagpaalam sa isa't isa ay hinintay muna ni Alex na maalis na sa kanipang paningin ang paglayo ng magulang niyo

"Let's go?" aniya sa kasama niya, tumango naman ito bago na sila naglakad paalis

Tulala sa byahe magdamag si Alex habang iniisip ang panibagong problema niya tungkol sa nangyari sa kanila sa pagitan nilang dalawa ni Stephanie

Hindi niya pinahalatang may bumabagabag sa kanya nitong mga nagdaang dalawang araw matapos ang kasal nina Ken at Nickie

Nabahala silang lahat nun sa biglaang pagkawala nilang dalawa ni Stephanie pero nakahinga naman ng maluwag ng tumawag si Alex sa mga kaibigan na umiwi na sya diretso sa mansyon kaya ang mga magulang niya ang unang nakakita sa kanya sa biglaang pagsulpot niya sa mansyon na tulala sa kawalan pero di pinahalata para hindi na mamroblema ang mga magulang niya sa pag-alis nito

Walang nakakaalam kung saan nagpunta silang dalawa ni Stephanie nun gabing yun, wala rin kase syang kusang loob na magkwrnto kung ano man ang nangyari

Sa mahabang byahe ay malalim ang pagiisip ni Alex habang ang tingin ay nakalabas ng bintana. Sa isip isip niya ay hindi niya mapapatawad si Stephanie sa nagawa nitong kapahangasan sa kanya pero may kung ano rin siyang naiisip na, para saan pa ang galit at pagkadismaya niya kay Stephanie kung single naman sya at wala syang ibang babae na kinakasama?

Panay ang malalim na pagbuntong hininga ni Alex na napansin iyon ni Nay na katabi niya "Alex hijo, ayos ka lang ba?" may tong pag-aalala sa pagtanong ni Nay sa kanya

Napalingon sya dito at nginitian "I'm alright" aniya

Lumipas ang ilang araw ay hindi nagpa-apekto si Alex sa mga problema niya, nanatili syang nakafocus sa work at busy sa mga panibagong cases na dumating

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon