Chapter 172

802 47 4
                                    

Alex's POV

"Boss. Boss. Ayos ka lang?!" said by the man who was leading the trouble earlier and now he has an arm sling attached to his broken arm. Napasigaw kase ang lalaking kanina pa nila tinatawag na boss kaya parang sila ang nasasaktan sa reaksyon nila habang ginagamot ni Zia

Di ko alam kung wala na bang supply ng anesthesia or sinadya niya lang hindi bigyan ng anesthesia ang pasyenteng ito habang tinatahi na ngayon ang sugat kaya napakapit ang boss kuno nila sa braso ng mga kasamahan niya sa sakit ng paggagamot

'Pinaparusahan niya ba siya?... Unbelievable... Ngayon lang ako nakakita ng doktor na gumagamot nga pero kasama naman ang parusa sa panggugulo nila'

Nasa isang area kami dito sa hospital habang tinutulungan naming tatlo si Zia sa paggagamot ng mga ginulpi niya kanina. Weird right? Sya na ang naggulpi sya pa ngayon ang gumagamot ng ginulpi

Sa rami kase ng mga pasyente dito kahit na sakto naman din ang rami rin ng doktor at nurses ay nakulangan ito ng dahil nga sa nangyaring sunod sa isang malaking building kaya pati kaming tatlo ay naging nurse nurse-san kami sa pag assist lang kay Zia

Habang tumatagal kami rito na hinayaan niya naman kaming mag-assist ay parang muli ko syang nakikilala sa ibang pagkatao niya dahil nagdadalawang isip pa rin ako kung siya nga ito. Di ko rin maiwasang mapatitig sa kanya habang mukhang sanay na sanay sya sa paggagamot lalo na sa mabilisang pagtatahi ng sugat. Di ko alam kung alin sa dalawa ang pinapanood ko, ang pagtatahi niya or... sya..

"A-Aray!"

"Boss. Boss.. Masakit po ba?!" ani naman ng ikalawang lalaki, tinalasan sya ng tingin na tinatawag nilang boss

"T*nga ka ba?! Di ba halatang nasasaktan na yung tao?!" inis na ani ng boss nila

Kaya nagtutulukan at nagsisihan naman ang mga lokoloko. Natigilan sila sa pagsisihan ng matunog na ibinaba ni Zia ang parang gunting na hawak niya matapos hubarin ang gloves na suot niya na tinignan ang mga to, ka agad naman silang namutla sabay lunok at natahimik, napatayo ng maayos

"Hoy" yun pa lang ang sinasabi niya ay nagpipigil na ako ng tawa sa mga reaksyon ng mga to, parang nakakita ng multo sa mga takot na itsura nila

Di pa man nagsasalita si Zia ay nagsalita na ang boss nila "T-tatahimik na kami.. hehe.. pagpasensyahan mo na tong mga bata ko... m-may pagkapasaway" it looks like he's having a f*cking diarrhea because of his f*cking face or he looks like he's gonna f*cking poop or something while smiling at her nervously, lalo na ng tignan sya pabalik ni Zia

"D-di ba? U-uy sumagot kayo mga bata!" nauutal na aniya sa mga kasamahan nito na nagpapalitan ng tingin kay Zia

Kaagad naman silang napasabay sabay na mabilis napatango tango. Tumabingi ang ulo ni Zia habang nakatingin sa kanila kaya otomatiko silang sabay sabay na napaluhod

"T-tatahimik na po kami" kabadong ani ng lalaking nangunguna sa mga bata daw, mukhang kanang kamay ng boss kuno nila

Nagpamulsa naman ng kamay si Zia na walang nagbabago sa reaksyon nito parang naghahantay pa ng ibang sasabihin ng mga 'to

"At magpapakabait na rin. Magbabagong buhay na kami, promise" papupumpa na ani ng boss nila

"O-opo. Magbabagong bu—————ha? Seryoso ka ba boss?" sasang ayun sana ang kanang kamay nito ng napakunot pa ang nuong napatingin sa boss nila, parang di makapaniwala

Tinignan naman sya nito na sinasabing um-Oo ka na lang kung ayaw mong malibing tayo ng buhay

Ang ilan ay napakamot ulo na lang habang napipilitan na sumang ayun "Ginag*go niyo ba ako?" muli silang namutla ng magsalita na si Zia at nanliliit ang mga mata nitong isa isang in-oobserbahan ang mga to kung nagsasabi ba ng totoo

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon