Chapter 171

812 50 7
                                    

Dave's POV

Pasimple na naman kaming naka sunod kay Krist————este Zia pala, nang makalabas ito. Tanaw pa namin sya sa di kalayuan ng biglang mawala ito sa aming paningin kaya otomatiko kaming nagkatinginang tatlo saka mabilis na napatakbo sa kung saan namin sya huling nakita

'Nalingat lang kami saglit, nawala na sya agad?... San nagpunta yun?!'

Lakad takbo lang kami na medyo hiningal na ako bago namin naisipang huminto muna saglit hanggang sa

"Ehem" may pekeng umubo na narinug ko sa likuran namin kaya nagkatinginan kaming tatlo bago dahan dahang napatingin sa likuran

Napaigtad pa ako ng bahagy sa kinatatayuan ng nasa likod lang pala namin sya, walang emosyon pero seryosong nakatingin saming tatlo before she crossed her arm. Bumagay sa kanya ang suot niyang gown na kinuha niya kay tito Xander

"Why are you keep following me?" nangangapa kami ngayon ng sasabihin sa tanong niya, nagtutulakan sa tinginan kung sinong magsasalita

Umangat ang gilid ng labi niya na ikinatigil namin sabay tabingi ng ulo niya at nakapamulsa na ngayon sa coat

"Do you guys have a crush on me?" napamaang na lang kami sa pagkapranka niyang tanong kaya nabulunan ako sa sarili kong laway na ikinatingin nilang tatlo sakin habang di naman ako makadiretso ng tingin

'Kung alam mo lang mas malalim pa sa crush ang nararamdaman namin, noon.. hanggang ngayon...yata..kung ikaw si Krist'

"Tss" napatingin ako rito at nakitang nakatingin na pala sya sakin "Bro you're obvious.." di ko alam ang irereact ko sa kung anong tawag niya sakin

'Bro?...'

"H-ha?" gusto kong mainis sa sarili ng mautal pa ako na ikinangisi nito sakin at napailing iling lang bago na naman walang pasabing nilampasan kami

Napasunod kami ng tingin sa paalis niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin namin

Baka talagang isipin ni Zia na may masama kaming balak sa kanya kaya mamaya na lang namin sya susundan o oobserbahan. Ilang minuto pa ang pananatili namin doon ng may nagsalita.

"Do you still have feelings for her?" natigilan akong napatingin kay Alex "If she was the true Jaspher.. Do still have the same feelings for her like before?.. Or... lumala pa ito?" di ako nakasagot sa tanong niya at nakipagtitigan lang sa kanya ng seryoso at sa tingin na iyon alam kong alam niya na ang sagot ko

"Dude, that's enough.. kung magaaway kayo doon kayo sa labas at magsosolo kami ni Zia" sabay naming sinamaan ng tingin si Mike na pumagitna samin na inawat kami

Pero imbes na umawat ay dinadaan niya kami sa pagkakolokoy niya bago kami nginisihan at tinalikuran na nanguna sa paglalakad

Saglit ko pang sinulyapan si Alex bago sumunod kay Mike hanggang sa mabigla kami ng may kalabog kaming narinig sa di kalayuan at nakita ko pang may ibang pasyente na napahinto sa paglalakad para magkumpulan sa bandang yun

Kaagad kaming mabilis na pumunta doon dahil sa pagkakaalam ko sa gawing yun pumunta si Zia

"Mga wala kayong kwentang doktor!" sigaw ng isang lalaki na may pagkapormal ang suot pero mukhang tambay sa kanto

Nakipagsiksikan pa kaming tatlo sa mga nagkukumpulan na kabilang roon ang ilang nurses habang may inaasikasong pasyente

"Tss" Kaming lahat ay napatingin sa nagreact na yun, si Zia na kumakain na naman ng burger

'Akala ko manggagamot sya ng pasyente? Bakit kumakain lang ulit sya?'

"Hoy babae.. Anong tinutunganga mo dyan? Saka ang lakas yata ng loob mong tignan ako ng ganyan, ha?" napahakbang ako papalapit ng lapitan sya nung lalaki at may mga kasamahan ito na may bitbit na mga bats habang ang ilan ay marahan pang hinahampas hampas sa palad nila iyon.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now